ISIS NAG-UUMPISA NA SA MINDANAO — DUTERTE

Nag-uumpisa na uma­nong kumilos ang international terrorist group na Islamic State in Iraq and Syria (ISIS) sa Minda­nao at nagsasagawa ng Islamic indoctrination, ayo­n mismo kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa kanyang pagbisita­ kahapon sa isang military camp sa Zamboanga­ del Sur, sinabi ng Pangulo na sa loob ng susunod na 3 hanggang 7 taon ay mahaharap ang bansa sa problema sa ISIS kaya naman habang maaga ay kailangan na ang ibayong paghahanda ng militar.

Ayon sa Pangulo, totoo ang banta ng teroris­tang ISIS sa Pilipinas at nag-uumpisa na umanong kumilos ang kapanalig ng mga ito sa ilang bahagi ng Mindanao.

Sinabi ng Pangulo­ na may ilang mga taon­g puti na ang nakikitang kumikilos sa ilang isl­a sa Mindanao. Aniya, maaaring mga Arabo ang mga ito na pumapasok sa bansa bilang mga missionaries.

Wala umanong armas­ ang mga dayuhang ito subalit nagsasagawa ng indoctrination na siyang dapat na ikabahala at paghandaan ng pamahalaan.

Ayon sa Pangulo, ang ganitong indoctrination ay delikado at nakakatakot. Gaya umano sa mga komunista ang ganitong indoctrination ay pagkondisyon na ng kaisipan ng mga tao sa isang bagay o paniniwala na mali.

“There’s something wrong with their minds killing people unnecessarily, no rhyme, no reason. They are into massacre,” pahayag ng Pangulo.

Sinabi ng Pangulo­ na ngayon pa lamang ay dapat nang gumawa ng hakbang para pigilan ang ISIS disease upang hindi nito maimpluwensyahan ang mga Muslim sa Mindanao.