MUKHANG nakapagpa­hinga nang husto ang da­ting Vice Mayor ng Maynila na si Isko Moreno nang naka­tsikahan namin nang ­dumalaw ito sa DZRH ­kamakalawa ng gabi.

Lalo siyang gumuwapo, kaya biniro naming puwedeng-puwede siyang bumalik sa showbiz.

Ayon kay Isko, nagbabawi siya sa pamilya niya na nakikibahagi lang ng oras sa kanya noong abala siya sa pulitika.

Pinag-isipan din niyang bumalik sa pag-­aartista.
“I spent most of my time with my wife and my kids. Kailangan ko magbawi sa kanila.

“Hindi ko naman puwedeng kalimutan ang showbiz. It’s just that, syempre ngayon parang­ after 18 years in public service, medyo ­nagbabawi lang ako ngayon sa mga anak ko,” ­nakangiting pahayag ni Isko.

Pinag-aaralan niya ang ilang offers dahil ayaw ni Isko na magkontrabida. Tingin niya, hindi ‘yun bagay sa kanya.

“Pinipili ko. Kasi, unang-una… kasi, you’re going to act on a character, na kaila­ngang bagayan ko naman.

“Unfair naman sa viewers na masabi na lumabas ka lang,” saad nito.

Ayaw ba niyang ma-challenge sa pag-arte kung kontrabida o bad guy ang ginagampanan niya.

“It’s not my cup of tea. Hindi ko siya linya,” mabilis na sagot ng dating Vice Mayor ng Maynila.

“Unang-una, it’s not my nature.­
“Kailangan maging fair ka sa mga viewers na mabigay mo ‘yung hinihingi ng karakter. Baka maging pilit pa, di ba? Nakakahiya naman.

“Depende siguro… depende sa story.”
Kahit hindi siya pinalad noong nakaraang eleksyon, marami raw magandang kapalit.

“On a positive way, I’ve seen the country. Not every Filipinos will be given the opportunity to see the beauty of 7,100 islands.

“Hindi lahat ng tao, magkakaroon ng ganu’ng pagkakataon. So, it’s a blessing for me seeing a country na talagang napakaganda,” saad ni Isko.

Kaagad niyang tinanggap ang pagkatalo dahil­ na-realize niya agad na maaaring may ibang plano­ ang Panginoong Diyos sa kanya.

“Baka meron Siyang nakalaan para sa ‘yo. Just be patient and accept the fact.

“Modesty aside, the day after elections I conceded. No questions asked. Pag talo, talo. Nadapa ka, tayo ka uli,” deretso niyang pahayag.

Pagdating sa isyu kay Manila Mayor na Pres.-Mayor Joseph Estrada, umatras na si Isko.

Ayaw na raw niyang magkomento nang ­nilinaw namin sa kanya kung meron ba silang hidwaan noong nakaraang eleksyon.

Sabi lang niya; “I have no comment with that.
“Basta ako, ang ginawa natin, ako nangampanya kay Erap, tumulong kay Erap, binoto ko si Erap noong nakaraang halalan sampu ng aming mga kasamahan. God knows.”

Kasunod nu’n, may mga mga sinasabi siya na hindi lang namin tiyak kung kay Mayor Erap ba niya ito tinutukoy.

Ani Isko, “Basta tayo, honest tayo. Modesty­ aside… pag galing ka sa hirap, minsan ang mahalaga sa ‘yo, ang salita mo.

“As much as possible, pinangangalagaan ko ‘yung salita ko. Pag ang bagay, nasabi ko na, ay tutuparin ko.

“Yun naman­ ang karakter na na-develop ko simula nu’ng ako ay nadiskubre sa pag-aartista na I go to tapings and shootings on time, kasi I was asked to do that, and I promised to be there.

“At the same time, in politics, when you say something to the public, tutuparin mo. Kasi, kita mo naman, you know, 18 years is 18 years.

“Hindi ko naman binubuhat ang aking bangko­. Hindi naman ako tatagal sa pamahalaan ng lungsod ng Maynila kung ang salita ko ay hindi­ hinahawakan ng tao.
“So, ewan ko sa iba.”

3 Responses

  1. Nde mo nature maging kontrabida? So natural na masasama pala ung mga kontrabida ngaun? Hindi mo na lang sabihin na baka makaapekto sa perception sau ng tao bilang pulitiko at matalo ka uli sa susunod na elexon
    Maiintindihan ka naman

  2. Ambisyo ka kasi masyado. Hindi ka makapag-hintay magpa-hinog. Isa pa medyo me pagka-balimbing ka. Sinisiraan mo ang kabaro mo para lamang sa iyong personal na interes. Ngayon naman kahit kontrabida sa pelikula ayaw mo? Siguro marami ka pang naitatago jan?