Isko kinandado Parola sa bingo, boxing

Sinailalim sa 24-oras na shutdown ni Manila Mayor Isko Moreno ang Barangay 20, Zone 2, District 1 para sa disease surveillance matapos ang ulat na paglabag ng mga residente sa Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Ang shutdown ay ipinatupad alas- 8:00 ng gabi kahapon hanggang ngayon (Abril 15) ng alas- 8:00 ng gabi , alinsunod sa nilagdaang Executive Order ni Moreno noong Lunes ng gabi.

Nakarating umano sa kaalaman ni Moreno na may pa- boxing at pa- bingo pa ang mga residente sa lugar nasasakop ng Parola Compound sa Tondo kahit may lockdown.

Bukod sa kautusan ni Moreno na magsagawa ng disease surveillance , magsasagawa rin ng mass testing at rapid risk assessment operations sa nasabing barangay.

“A video was posted on Facebook showing a group of more or less one hundred people, including children, participating and spectating in what appears to be an informally organized boxing match by the side of the street,” nakasaad sa EO ni Moreno.

“The video shows blatant violations of the enhanced community quarantine guidelines and social distancing protocols thereby creating immense risk of exposure and contraction of COVID-19 to those involved in the event,” dagdag pa ni Moreno.

Sa panahon ng shutdown period , ang lahat ng residente ay binawalang lumaba ng bahay.

Ang mga healthcare worker, pulis ,military, coast guard at iba pang government offices kasama sa emergency frontline services ay exempted sa order.

Lahat din ng mga commercial, industrial, retail, institutional at iba pang aktibidad sa barangay ay sinuspinde sa panahon ng shutdown.

Inatasan rin ni Moreno ang Manila Police District -Police Station 2 na magtalaga ng mga tauhan sa mga strategic location sa panahon ng shutdown.(Juliet de Loza-Cudia)