Isko nanguna sa 156th birthday anniv ni Andres Bonifacio

Pinangunahan ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso ang paggunita sa 156th anibersaryo ng kaa­rawan ni Gat Andres Bonifacio na gjnanap kahapon nang umaga sa Tutuban, Tondo, Maynila.

Bago ang kanyang talum­pati ay nag-alay muna ng bulaklak si Moreno sa rebulto ni Bonifacio.

Sa kanyang talumpati, hi­ni­kayat ni Moreno ang Manilenyo na simulan ang pagbabago at pamarisan ang ginawang kadakilaan ni Bonifacio.

“Hihintayin pa ba natin na mayroon pang magbuwis ng buhay para magkaroon ng pagbabago?” ayon kay Moreno.

Hinimok ni Moreno ang Ma­nilenyo na gawing huwaran ang ginawa ni Bonifacio sa ba­yan para makamit lamang ang tinatamasang kalayaan.

Si Bonifacio ay minaliit dahil sa kanyang kahirapan pero hindi umano ito naging hadlang para ipagpatuloy ang kanyang pakikibaka para sa kala­yaan.

Nabatid na ang paggunita sa birthday anniversary ni Bonifacio ay sinabayan naman ito ng kilos-protesta ng iba’t ibang militanteng grupo sa Liwasang Bonifacio.

Nakasuot ng mga athlete T-shirt ang militanteng grupo at may mga bitbit na placards may nakasulat na ‘We our proud of our athletes’ , ‘We are ashamed in our government’.

Iginiit rin ng militanteng grupo ang pagtaas sa suweldo ng mga manggagawa at binatikos ang kapakanan sa SEA Games. (Juliet de Loza-Cudia)