Parehong mabango ang pangalan nina Vico Sotto at Isko Moreno bilang mga alkalde. Pero hindi maiwasan na ikumpara ang dalawa.

Pagdating sa Tiktok mas naghahari sa mga kababaihan si Vico. Hindi man siya nagti-Tiktok pero pinagtitripan siya.

Dinaig niya si Isko na nagti-TikTok mismo.

Mabenta ‘yung video na napapakamot si Vico sa ulo. Magulo kasi ang kausap niya. Nakulitan siya dahil paulit-ulit niyang sinasabi na lahat ay kasama.

‘Puputi ang buhok ko ditto,” sey pa niya.

May kanya-kanyang version ang mga kababaihan na parang kausap ito. Merong nagluluto ng sopas kung ano ang maayos na ingredients. Meron ‘yung pupunta sila sa beach. Meron din ‘yung pamamanhikan isyu , nagso-sorry kay Vico atbp.

Bukod dito, laman din sa Tiktok ‘yung pinapantasya siya ng mga kababaihan. Gusto siyang maging dyowa.

Winner din yung #epiczoomchallenge niya na may biglang may lumabas na nakahubad .

Anyway, pagdating naman sa serbisyo nila bilang mga mayor ng Pasig at Maynila patas lang. Parehong outstanding sila sa kanilang mga nasasakupan.