Sobrang proud pa-rents sina Vic Sotto at Coney Reyes sa pagwawagi ng anak nilang si Vico Sotto sa mayoralty race sa Pasig City.
Nagbunga ang kasipagan, pagtitiyaga at pagpupursige ni Vico dahil inihalal siya ng Pasigueños bilang bago nilang alkalde.
Sulit din ang ginawang pagsuporta nina Bossing at Ms. Coney dahil tagumpay ang kanilang guwapo at matalinong anak sa malaking hamon na pinasok nito.
Super proud din sina Oyo Sotto at Danica Sotto-Pingris sa major achievement ng kanilang younger half-brother, na sa edad na 29-anyos ay walang lovelife at mukhang destiny talaga nito ang manilbihan sa publiko.
Panalo rin ang pinsan ni Vico at anak nina Tito Sen at Tita Helen Gamboa-Sotto na si Gian Sotto bilang Vice Mayor ng Quezon City, ka-tandem ng winner din na si Ma-yor Joy Belmonte. Wagi rin ulit bilang Konsehal ng QC ang ate ni Gian na si Lala Sotto-Antonio.
Hindi pinalad ang nakatunggali ni Gian na si Roderick Paulate. In fairness ay ikinampanya at sinuportahan si Kuya Dick ng malalapit na kaibigan nito sa showbiz.
Pinakamarami ang natuwa sa panalo ni Vico sa Pasig at ganu’n din ni Isko Moreno sa Maynila, na dinaig naman si Mayor Erap Estrada.
Itinuturing na mga higante sa politika ang binangga nina Vico at Isko, pero napagtagumpayan nila ang matinding laban.
Umaani ng papuri lalo na sa social media ang sweet victory nina Vico at Isko na sinasabing mga mukha ng pagbabago at hudyat ng makabagong politika sa bansa.
***
Erap, Jinggoy nganga sa eleksyon
Kung nasa winning streak ang pamilya Sotto, mukha namang hindi panahon ngayon ng mga Estrada dahil bukod sa hindi pinalad si Mayor Erap sa Manila, bigo ring makapasok si Sen. Jinggoy Estrada sa mga bagong halal na Top 12 senators.
Maging si JV Ejercito ay laglag din sa senatorial race. Ang anak ni Sen. Jinggoy na si Janella Estrada ay hindi rin sinu-werte bilang Ma-yor ng San Juan City.
In fairness ay patuloy na kumakapit si Sen. Bong Revilla sa last spot. Kahit grabe ang bashing na natanggap ni Sen. Bong lalo na sa social media ay humakot pa rin ng boto ang actor-politician.
Ang tindi ng naglabasang memes laban kay Sen. Bong at pati ilang mga taga-showbiz ay lait to the max sa kanya, so isang malaking achievement ‘yon kung hindi siya malalaglag sa Top 12.
Ang isa sa mga ikinampanya nang husto ni Coco Martin na si Lito Lapid ay wagi rin at hindi na matitinag sa puwesto nito. Siyempre ay safe na safe din si Sen. Grace Poe na isa pang sinuportahan ni Coco.
Si Edu Manzano ay hindi sinuwerte na ma-ging Congressman sa San Juan, pero si Alfred Vargas ay winner ulit bilang Representative ng Quezon City.
As expected ay panalo si Ms. Vilma Santos-Recto bilang Congresswoman ng Batangas.
Happy and proud wifey naman si Heart Evangelista para sa kanyang Governor-elect hubby na si Chiz Escudero.
“You now come first Sorsogon,” ang sabi ni Heart sa kanyang IG Story na may vi-deo ng proclamation sa kanyang mister, na proud siyang itinaas ang kamay nang maproklamang Gobernador.
Si Aiko Melendez ay napakasayang nobya dahil panalo ang boyfriend niyang si Jay Khonghun bilang Vice Governor ng Zambales. Feeling vindicated si Aiko dahil wagi ang nobyo niya kahit sinira-siraan daw ito ng kalaban.