Iskup: DongYan, Alden, Jennylyn binarat ng GMA

May alingasngas ang lumalabas ngayon na lahat umano ng mga artista ng GMA 7 ay binawasan ang talent fee.

True kaya ang tsika na kahit ang mga big star at contract star nila gaya nina Dingdong Dantes, Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Alden Richards ay binawasan ng TF?

Kailangan umano bawiin ng Kapuso ang apekatadong kita nila nu’ng lockdown. Natigil din kasi ang mga serye at live shows simula nang magkaroon ng quarantine.

“Hindi naman binarat kasi matataas naman TF nila. Binawasan kasi walang taping, walang bagong show na iniere. Kumbaga, wala silang ginagawa,e, guaranteed contract sila. Kahit hindi magtrabaho ay sumusuweldo pa rin sila. Win-win situation ika nga.lahat naman affected sa COVID -19 crisis,” paliwanag ng aming source.

Ayon naman sa isang talent manager: “Sana bumalik na ang ABS-CBN 2. Mahirap din ‘pag walang kalabang istasyon. ‘di na magi-increase TF ng mga artista,”

“Mas bumaba. ‘Pag ‘di pumayag lipat sa Arirang channel. Dun kami itatapon.Ha!ha!ha!” dagdag pa niya.

Tinanong namin ang isa pang may konek sa Kapuso kung ilang percent ang binawas sa TF ng mga artista?

“Iba-iba ata. Depende sa TF. Baka bawasan din si Ate Guy kasi anim na oras lang siya nagti-taping tapos kaliwaan pa,”pakli niya.

Bukas ang panig ng GMA 7 at mga artistang nabanggit para sa ikalilinaw ng isyu.(ART)