ISKUP: Karla inaming ikakasal

NI: Dominic Rea

Finally found someone na nga si Queen Mother Karla Estrada sa katauhan ni Jam Ignacio. Hunyo 2019 nang isambulat ng dalawa ang kanilang matamis na pagmamahalan sa publiko via Magandang Buhay. Mag-iisang taon palang ngayong Hunyo ang kanilang relasyon at halatang going strong naman ito.

Nitong nakaraang linggo ay sumabog ang balitang magpapakasal na si Karla .

Na-scoop ng Abante TONITE na magpapakasal na nga ang dalawa pero not this year kundi next year pa.

” Yes! Pero not this year Dom. Mga next year pa siguro. Ano ba yan! ” sambit pa ni Karla sa pamamagitan ng isang text message.

Isang malaking paghahanda ito sa both parties pero ayon sa actress-tv host.

” Isang simpleng okasyon lang Dom pero nandoon tayong lahat. Yun lang muna. ” pagkumpirma niya ulit.

Matagal na ring inaasam ni Karla ang makatagpo ng isang lalakeng magdadala sa kanya sa altar. Ito talaga ang kanyang pinagdarasal noon pa.