Iskwater, pabrika target din ng Manila Bay rehab

Target na rin ngayon ang mga pabrika, estalis­yimento, mga informal settler, fishpen at iba pa na nagtatapon ng mga dumi at basura sa Manila Bay.

Ito ay bunsod na rin sa isasagawang inspeksiyon ng Department of Environment ang Natural Resources (DENR) sa Manila Bay bilang pasi­mula sa ilalatag na P47 bilyon Manila Bay Rehabilitation Project.

“They need to comply with the law rather than us to tell them that you need to comply. We are not baby sitters.
Based on the statement of o­ther people, we should give them ample time. It has been 10 years that the mandamus coming from the Supreme Court tell us to clean up the Manila Bay,” ayon kay DENR Usec. Benny Antiporda.

Nalaman na ang Manila Bay Rehabilitation Pro­ject ay nahahati sa tatlong phase kung saan ang phase 1 ay ang gagawing paglilinis, phase 2 rehabilitasyon kung saan kasama na rito ang relokasyon ng mga informal settler at ang phase 3 ay ang enforcement.

Sakaling mapatuna­yang lumabag ay ipasasara ang mga pabrika at establisyimento na nagtatapon ng kanilang mga basura at dumi sa Manila Bay. ()