Ikinasa ng pinagsanib na puwersa ng Inter-agency Council for Traffic (IACT) at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang operasyon kontra sa mga taxi driver na isnabero kaugnay sa nalalapit na Kapaskuhan.

Nakiusap naman ang IACT at MMDA sa mga mananakay na kaagad i-report ang mga taxi driver na mahilig tumanggi at hindi nagpapasakay.

Payo ng MMDA, agad tignan ang mga pangalan ng taxi, plaka at dapat aniya may mga numiro ito at hotline ng LTFRB.

Sinuman aniyang taxi driver na mahuhuling isnabero o tumatangging magsakay ng pasahero ay papatawan ng kaukulang parusa tulad ng pagkansela ng prankisa at revocation ng driver’s lisense.

Kahapon ay inumpisahan na ng IACT at MMDA ang operasyon kontra isnaberong taxi driver.

Dahil sa tuwing nalalapit na ang Kapaskuhan, sinasamantala ng ilang taxi driver na huwag magsakay lalo na kung malayo at trapik ang destinasyon na pupuntahan ng isang pasahero.

Bukod dito ay pinaigting rin nila ang anti-colorum operation dahil tumaas din ang bilang ng mga ito sa buwan ng Kapaskuhan.