Itatakda ng Philippine Sports Commission ang direksyon ng sports program sa loob ng anim na taon sa isang National Sports Consultative Meeting simula sa linggong ito hanggang buong Setyembre.
Kukuha ng inputs ang government sports agency mula sa mga iimbitahang personahe, leaders at coaches para malaman ang mga kakulangan at mga dapat iaayos nang sa gayon ay maituwid ang maraming kabaluktutan lalo na sa hanay ng Philippine Olympic Committee.
“We will be meeting this week with key sports stakeholders to define, pinpoint and address major issues in our sports,” giit ni Ramirez, na klinarong ‘di nila boss ang POC.
Ilan sa mga unang nakatakdang makapulong ni Ramirez sina dating Pampanga District 1 Rep. Yeng Guiao, Lanao del Norte Cong. Aaliyah Dimaporo, PBA commissioner Chito Narvasa, Davao del Norte Rep. Antonio del Rosario at Senate sports committee chairman Manny Pacquiao.
Kakausapin ang commissioners ng NCAA at UAAP, mga lider sa CHED, DepEd, Philippine Air Force, DILG at DOH pati athletic directors ng mga pamantasan at local government units.
“We will be asking, what has the PSC done for our sports after 26 years?” hirit ni Ramirez. “We really want to know if the PSC was able to take the lead in the sports community.”