ISU nagpa-virtual skating training

Nagsagawa rin ang International Skating Union (ISU) ng unang virtual figure skating training session para sa mga atleta habang patuloy ang epekto ng coronavirus disease 2019 pandemic.

Nanguna si St├ęphane Lambiel ng France sa itinampok na unang video na “Keep Training!” series sa live strength at plyometrics session.

Two-time world champion at silver medalist sa Turin 2006 Winter Olympic Games si Lambiel, bago naging Skating School of Switzerland coach pagkaretiro bilang atleta noong 2010.

Magpapatuloy ang figure skating training sessions na nagbukas noong Linggo hanggang Biyernes, Abril 24.

Ilan din sa mga kalahok sina Czech pair skater turned coach Ondrej Hotarek sa off-ice rotational exercises at dating track and field Olympic coach Gerard Lenting sa stability session.

Ang video ay maganda para sa skaters sa lahat ng levels habang ang mga amateurs ay makakasali kahit hindi nila malampasan ang physical capacity.

Ipapalabas ang mga sesyon sa Skating ISU Channel at YouTube.

Plano rin ng ISU na mag-virtual training sessions para sa speed skating at short track disciplines.

Isinaman na ng governing body ang 2018-19 World Championships sa streaming schedule sa YouTube. (LO)