Welcome sa mga lider ng Mababang Kapulungan ng Kongres ang paglapag sa Pilipinas ni Chinese President Xi Jinping na may dalawang araw na state visit ngayong Nobyembre 20-21.

“We welcome the state visit of President Xi Jinping,” pahayag ni Deputy Speaker at Batangas Rep. Raneo Abu.
Base aniya sa kasaysayan, ang Tsina ang isa pinakamatagal nang trade partner ng Pilipinas.

“Despite colonizations and world wars, it is noteworthy to say that our relationship remained.

We look forward to an even better relationship with our Chinese neighbours. Whether it be through better communication, trade, or peace, I’m sure that this historic visit is a great step in achieving that goal,” dagdag pa ni Abu.

Inihayag naman ni Deputy Speaker at Surigao del Sur Rep. Prospero Pichay na ang pagbisita sa Pilipinas ng Presidente ng Tsina ay “good sign” ng “good diplomatic relationship” sa pagitan ng dalawang bansa.

Isa pa aniya sa mga bagay na dapat talakayin sa pagitan ng China ay ang loan package para sa imprastruktura na ibibigay ng mga Chinese sa mga Pinoy.