It Girl, FAKE ang pagbati

Melai Cantiveros at Jason Francisco

MARAMI sa fans ni Paolo Ballesteros ang nag-akalang a-appear ang kanilang paboritong Dabarkad sa 37th anniversary celebration ng Eat Bulaga noong isang araw, pero nabigo sila.

Wala man si Paolo sa 37th anniversary special ng Eat Bulaga, natuwa na rin ang fans dahil may special vi­deo greeting si Pres. Rodrigo Duterte.

Sa ganda ng takbo ng Eat Bulaga, mukhang magtatagal pa ng mara­ming taon ang show.

Napakaraming loyal followers ng Eat Bulaga kahit may loyal followers din ang katapat nila na It’s Showtime!

***

May mga nagpapayo na kung gusto talaga ni Jason Francisco na maging maayos ang married life nila ni Melai Cantiveros ay makakabuting pareho silang mag-quit sa showbiz.

Ang mga reklamo kasi ni Jason tungkol sa misis niya ay may kinalaman sa showbiz.

Para matahimik sila, maghanap na lang sila ng ibang trabaho!

Medyo matagal na rin kasi sila ni Melai sa showbiz, pero parang hanggang nga­yon ay hindi pa rin kayang sakyan ni Jason ang mundong ginagalawan nila ng misis niya.

Melai Cantiveros at Jason Francisco
Melai Cantiveros at Jason Francisco

Marami ang naaawa kay Melai dahil mukhang matino ang TV host/comedian.

Pero ayan, nagselos si Jason kay Carlo Aquino!

Kung ganyan na selos siya nang selos at nadadamay ang pangalan ng ibang aktor sa problema nilang mag-asawa, hindi kaya dumating ang araw na aya­wan na lang makatrabaho ng ibang aktor si Melai para walang maireklamo sa kanila si Jason?

Sakaling dumating ang pagkakataon na ‘yon, kaya bang maghanap ni Jason ng trabaho na puwedeng ipansustento sa mga pangangailangan ng kanilang pamilya?

Well…

***

Isa sa tinaguriang “It Girls” ang tila napipilitang bumati sa amin kapag nakikita kami!

t-02-jun-lalin-(cmyk)Ilang beses na kasi naming aksidenteng nakita ang nasabing grupo. Halatang-halata na napipilitan lang ang isa sa kanilang apat na batiin kami.

Halatang-halata sa mukha ng babaeng iyon ang “fake” na pagbati niya sa amin.

Mukhang kahit sosyal ang babaeng ‘yon ay nababasa niya ang ilang blind items namin tungkol sa pag-ii­narte niya noon sa isang international show.

Ang ipinagtataka lang namin sa kanya, bakit kailangan pa niyang bumati sa amin kung parang iritable naman siya, ‘noh?!

Kami mismo, hindi bumabati sa kanya.

Alam namin na iritable siya dahil sa blind items na naisulat namin na ang pinagbi­bintangan nilang source namin ay ang isang top beauty expert na ka-close ng isang international model/endorser na nakasama ni “It Girl” sa da­ting international show na ini-host niya!