Anu po ang ibig sabihin ng ikakasal daw ung anak ko pero black ang wedding gown nya.

Lina

Ang itim na damit pangkasal ay sumisimbolo sa attitude ng nanaginip sa pagpasok sa isang permanenteng sitwasyon o seryosong commitment tulad ng pag-aasawa.

Kung sa aktuwal na buhay ay magpapakasal ang iyong anak, ang itim na wedding gown ay maikokonek sa iyong attitude o pananaw o emosyon sa pagpasok sa seryosong commitment ng iyong anak. Ikaw lamang ang makakatiyak sa iyong sarili, natatakot ka ba sa kanyang gagawing pagpapakasal?

Kung wala ka namang ikakasal na anak, posibleng ang iyong panig ay representasyon sa iyong sarili.

Maaring meron kang ikinukonsiderang pagpasok sa isang permanent sitwasyon pero nagtatalo pa ang iyong sarili kung dapat o hindi dapat itong pasukin.

Sa ibang paniniwala ang itim na wedding dress ay ikinukonek sa negatibong isyu halimbawa ay ang pagpalpak ng ilang plano, pakikipag-away sa mga kaanak, kaguluhan sa isang relasyon at mga kahalintulad ng pangyayari.

Dream Catcher
DISCLAIMER: Ang DREAM CATCHER ay nagbibigay lamang ng general information tungkol sa mga kahulugan ng ating panaginip. Wala itong kinalaman sa relihiyon, kulto o anumang ispiritwal na aspeto ng buhay. Sa mga gustong isangguni ang kanilang panaginip, mag-email sa abantedreamcatcher@gmail.com.