Itinumba sa harap ni misis

Walang buhay na sumampay sa kanyang motorsiklo ang bangkay ni Efren Romero, Jr. nang pagbabarilin ito at kanyang kaibigan na si alyas ‘Halde Damie’ sa ulo ng hindi nakilalang suspek sa Luzon Ave., Brgy. Culiat, Quezon City. (Patrick Adalin)

Isang lalaki na umano ay nagmamaneho ng tricycle kasama ang kanyang misis ang patay matapos na walang habas na pagbabarilin ng dalawang kalalakihan na lulan ng isang motorsiklo sa Caloocan City kamakalawa ng gabi.

Sa ulat ni PO3 Jerome Dela Cruz ng Caloocan City Police Community Precinct (PCP) V – North Extension Office, alas-8:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa kahabaan ng Crisantinum Street, Barangay 174, Camarin ng nasabing lungsod.

Papauwi na umano ang mag-asawang Alex Gulaya, 52-anyos at mi­sis nitong si Rose Gulaya, 42-anyos nang bigla na lamang silang dikitan ng motorsiklong lulan ang dalawang suspek at habang tumatakbo ay pinaulanan ng bala ang lalaking Gulaya sa tapat lamang mismo ng University of Caloocan City (UCC).

Matapos ang pamamaril ay mabilis ding tumakas ang mga suspek patungo sa hindi na nalaman pang direksyon.

Mabilis namang isinugod sa Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital ng kanyang misis ang biktima ngunit hindi na rin ito pinalad pang mabuhay at nasawi habang nasa biyahe pa lang.

Sa ngayon ay kasalukuyan pa ring nagsasagawa ng imbestigasyon ang mga awtoridad, inaalam na rin ang pagkakakilanlan ng mga salarin at kung ano ang kanilang posibleng motibo sa pagpatay.