Itlog pantanggal ng blackheads

Tama po, hindi lang ito masarap na sunny-side up sa almusal o leche plan bilang pang­himagas kundi mabisa din itong pagtanggal ng blackheads o mga tuldok-tuldok sa mukha lalo na sa ilong.

Ano ba ang blackheads?

Ito ay mga naipong dumi sa mukha partikular na sa ilong.

Sa pagsusuri ay luma­labas na nagkakaroon ng blackheads ang isang tao kapag nabarahan ang mga pores o butas nito sa balat dahil na rin sa mga naipong langis sa balat, dumi at dead skin cells.

Pero malaking tulong ang ‘egg white’ para pakiputin nito ang pores sa balat at hilahin pala­bas ang mga nakabarang dumi.
Paano ito gawin?

Simple lang. Unang una’y basagin muna ang itlog. Kunin lamang ang puti nito at ibukod ang yolk o pula ng itlog.

Ipahid nang bahagya ang puti ng itlog sa mukha. Patuyuin at ha­yaang mababad ng da­lawang minuto.

Muling pahiran ng egg white (second la­yer) at hayaan itong tumigas hanggang sa ­mara­m­daman ang pagbanat ng balat.

Pagkalipas ng 10-15 minutes ay saka ito banlawan ng maligamgam na tubig at punasan.

Gawin ito ng ilang beses at pagtiyagaan hanggang sa ang mga blackheads ay tuluyang lumisan.