Sino ang mag-aakala na ang “It’s Showtime” ay kakayanin na bumangga sa isang institution sa telebisyon tulad ng “Eat Bulaga” at aabot ng ten years?

Yes, mga beautiful ones, maniwala man kayo o hindi, ipinagdiriwang ng “It’s Showtime” ang kanilang 10th year anniversary.

Ma-take ninyo, natagalan ng madlang people ang mga ka-cheap-an ng “It’s Showtime”? Pero kung sa ibang tao ay cheap ang ibang segments ng rival program ng “Eat Bulaga”, the fact na nakaabot sila ng sampung taon ay dahilan na para magsaya sila at mag-celebrate.

Imagine, nakaabot sila sa 1/4 ng tagal ng “Eat Bulaga” sa ere. Siguro nga ay may mga entertaining segments naman ang “It’s Showtime” na patok sa mga viewer (kahit na ang iba rito ay ginaya nila sa “Eat Bulaga”).Otherwise, hindi naman sila itutuloy ng Kapamilya network na sugalan ang programa kung wala naman itong binatbat.

Aminin natin na dumaan rin sa matinding pagsubok ang “It’s Showtime” bago sila nakapag-establish ng rapport sa madlang people. Umaangat-angat na sila sa ratings pero nang pumutok ang “Kalyeserye” kaya balik na naman sila muli sa paggapang.

Pero little by little ay nakabawi rin sila at kung paniniwalaan ang survey company na siyang sumusukat ng ratings ng “It’s Showtime”, the show has indeed gone a long way.

Of course, puwede i-claim ng “It’s Showtime” na tinatalo na nila sa ratings ang “Eat Bulaga”. But with 40 years experience behind its back, wala nang dapat pang patunayan ang noontime show ng TAPE Inc.

Maraming shows na ang nakatapat ng EB pero patuloy pa rin itong tinatangkilik ng mga tao. Kaya panay pasasalamat na lang ang EB sa blessings na patuloy na dumarating sa kanila.

Pero congratulations sa “It’s Showtime” dahil nagkaroon ng alternative viewing fare sa tanghali ang mga Pinoy.

Kuya Dick balik sa pagpapatawa

You cannot keep a good man down. The Diva that you love is happy na may programa sa Kapuso network ang versatile actor-TV host na si Roderick Paulate.

Kasama si Kuya Dick sa “One of the Baes”.

Nagbabalik-TV si Kuya Dick where he belongs. Hindi man pinalad si Kuya Dick sa kanyang journey na maging vice-mayor ng Quezon City, balik-showbiz naman siya.

Politics’ lost is showbiz’s gain. Balik-comedy si Kuya Dick sa “One of the Baes” kung saan gumaganap siyang tatay ni Jowalyn (Rita). Pero mayroon siyang lihim na siya lamang ang nakakaalam.

Sa trailer pa lang ay marami na ang naaliw sa mga eksena ng aktor.

Ang GMA News ang producer ng “One of the Baes”. Balak ba talaga nila na maging competitor ng GMA Entertainment TV? Gusto ba nila sabihin sa GMA ETV na mas mahusay ang GMA News? Nagtatanong lang po.

Maine-Carlo mapantayan kaya ang KathDen?

Since tumambal si Alden Richards kay Kathryn Bernardo at box-office hit ang “Hello, Love, Goodbye”, inaabangan ng publiko kung magiging matagumpay rin kaya sa takilya ang unang movie ni Maine Mendoza na iba ang kanyang leading man.

Tulad ng ibang tagasubaybay ng pelikulang lokal, curious ang Diva that you love kung mapapantayan, kundi man mahihigitan, ng Carlo Aquino-Maine movie ang kinita ng KathDen film.