Ang South Korea ay kilalang bansa pagdating sa plastic surgery. Parang open secret na rin naman sa ilang Korean celebrities ang pagpapagawa ng ilang parte ng mukha at katawan nila.
Kadalasan, napapansin na lang ang pagbabago tuwing may bagong k-drama o appearances ang mga ito. Si Lee Ji-eun o mas kilala bilang si IU ay pinaghihinalaan din na nagpa-plastic surgery.
Kinukumpara kasi ang skin color ni IU. Dati raw, mas dark ang complexion nito kaya pinag-iisipang nagpapa-inject ng whitening. Pinagdududahan din ang kanyang mata at panga.
Sa isang Korean online forum, may netizen na nag-compile raw ng mga ebidensiya na nagparetoke ang singer/actress.
May picture pa si IU kasama ang isang doctor ng isang aesthetic clinic.
Pero binuweltahan ito ng ibang netizen . Inisa-isa rin ang dahilan kung bakit hindi totoo ang alegasyon kay IU.
Sa lumabas sa koreaboo.com, “Even besides plastic surgery claims, people criticize her for allegedly getting skin whitening surgery. But the truth is that when IU debuted — her concept was gloomy, dark ballads. Plus they wanted her to look more mature so the company decided to use dark makeup.
“Even doctors admitted that skin whitening injections only show temporary results and do not lighten one’s skin tone permanently…These are her pre-debut pictures and you can see her skin is as fair and light as it is now.”
Imposible rin daw na nakapagpagawa ng “jaw” o panga si IU dahil simula raw nang mag-debut ito, sobrang busy na. At matagal daw ang healing ng jaw surgery.
Nagsalita na rin ang Kakao M, agency ni IU na kaya ito spotted sa clinic ay para sa kanyang skin care.
At tungkol naman sa diumano’y jaw surgery, “It wouldn’t be possible for her to get jaw surgery as IU has never had a long break in between activities and it takes a long time for jaw surgery for heal.”
Anyway, kahit talamak sa naturang bansa ang pagpaparetoke, isyu at turn-off pa rin ang mga fan kapag nalaman nilang may pinagawa sa mukha ang isang artista.