Ivana 500 ipis ang resbak

NI: ROLDAN CASTRO]

Pinagtripan ni Ivana Alawi ang kanyang mga kapatid na sina Mona at Hashim. Ito’y sa kanyang bagong upload sa vlog.

Ibinahagi niya sa mga subscribers niya na bumili siya ng 500 piraso ng ipis. Ito ‘yung plastic na laruan. Tinakot niya ang mga utol niya. Gumising siya nang maaga para gawin ito

Sinabi rin niya na resbak niya ito sa prank ng kanyang pamilya na pinagkaisahan siyang isnabin .Humantong pa ito na iniyakan niya.

Anyway, laugh trip at winner ang sexy actress sa bago niyang kalokohan.