Ivana, Angeline agawan kay Vico

NI: RONA RONDA

Naglalaban ang mga netizen sa puso ng Mayor ng Pasig na si Vico Sotto. Inuulan ng papuri ang alkalde dahil sa magagandang nagawa nito para sa kanyang nasasakupan.

Pero hindi lang mga netizen ang nabighani kay Mayor Vico, maging ang sexy vlogger-actress na si Ivana Alawi at ang singer na si Angeline Quinto.

Pukpukan ang naging labanan at maraming netizen ang na-trigger sa recent post ni Ivana.

“SOBRANG SWERTE NG MGA TAGA-PASIG SAYO!!!! Sana All,” saad ng tweet ni Ivana.

Hindi naman nagpakabog si Angeline Quinto at nag-reak sa kumakalat na memes kay Mayor Vico na ang tipo nitong babae ay mahilig kumain, kalog at mag-TikTok.

Kaya naman ang sey ni Angeline, “Mayor Vico, hayaan niyo po mas gagalingan ko pa pong Mag-Tiktok para siguradong pasado po.”

Samantala, sa latest na panayam kay Vico hinggil sa kanyang lovelife, iginiit nito na hindi pa siya handang pumasok sa relasyon .Lalo na sa kalagayan ng kanyang constituents ngayon.

Pero kung darating sa punto na ‘yon, ang bet ni Vico ay matalino at may pusong magsilbi kagaya niya.