Ivana kinasasabikan na walang saplot

Himala sa mga netizen na balot na balot si Ivana Alawi. Mas nasanay sila sa mga sexy photo niya. Mas kinasasabikan ang mga larawan niya na halos walang saplot.

Nakaporma ang aktres dahil meron siyang pupuntahan, ang kanilang kusina sa bahay.

Suot niya’y itim na sleveless crop top, ripped denim pants, at meron pang bitbit na itim na bag. Makikita siyang nag-pose sa kanilang sala.

“On the way to the kitchen 😎,” sey ng aktres sa Instagram

Home quarantine ang utos ng gobyerno sa mga mamamayan, bilang pag-apula sa lalong pagkalat ng COVID-19 sa ‘Pinas.

Magtatagal ang Luzon-wide lockdown hanggang Abril 30.