NI: ARCHIE LIAO
Gaano katotoo na nai-insecure na ang beauty ni Ivana Alawi kay Kim Chiu?
Kahit wala raw namang ga-papayang boobs ang chinita actress, may kakaibang charm daw naman ito kaya nabighani nito ang internet sensation na si DJ Loonyo.
Katunayan, may kibitzers na nagsasabi na kinuha na nito ang atensyon ng deejay kaya naman may dapat daw na ika-insecure ang sexy actress na dating ipinapareha sa kanya.
May opisyal na sayaw na rin ang trending song ni Kim na “Bawal Lumabas (The Classroom Song) courtesy of DJ Loonyo.
Sa kanilang bagong kolaborasyon, mukha raw mapapanis na si Ivana kay Kim dahil ang huli raw umano ang bagong apple of the eye ng pamosong dance artist at choreographer.
Sobrang bilib rin daw si Loonyo sa katapangan ni Kim na nakakayanang bumangon sa mga birada o pambabatikos sa kanya ng netizens.
Dahil dito, may mga nang-iintrigang goodbye na raw si DJ kay Ivana dahil mas favored at sikat ngayon ang pinag-uusapang si Kim.