Ivana pinagdamot ang nude video sa ex

NI: ROLDAN CASTRO

Todo tanggi si Ivana na may mahalay siyang video. Wala raw siyang scandal na ginagawa kahit mapangahas ang kanyang image.

Kontra na nga ang nanay niya sa pagpapaseksi niya kaya hindi niya gagawin ‘yung ibuyanyang ang kanyang hiyas.

Hindi raw siya ang napapanood sa viral video ngayon na hawig sa kanya

Paglilinaw niya sa kanyang YouTube channel dinedma raw niya ang kumakalat na video nang makita niya sa social media.

“Alam kong mukha akong wild, yung walang pakialam, liberated, proud ako dito, a. You will never ever see a scandal of mine on internet,” deklara niya

Sinabi rin niya na kahit ex niya ay hindi niya binbigyan ng nude photo o video kahit nanghihingi pa.