May chika na ayaw na raw ni millennial Aphrodite Ivana Alawi sa internet dance sensation na si DJ Loonyo .Ayon sa tsika diumano, ang lalaking best in paggiling at pagkanyod, may not so secret lady lover anymore.
Huwag na natin pangalanan pa ang not secret jowa daw ni Loonyo dahil non-showbiz naman ito. Respetuhin natin ang privacy niya please lalo na nga’t ang LooVana fanatics, niratrat na sa bashing at hating ang babaing hindi ako sure kung kagandahan.
Juice colored! Bordering na sa pagiging mag-jowable ang status nila kaya may balitang kataka-takang ganito?
Ayoko na patulan ang ka-cheapan! Stop na ito! Patunayan muna ni Alawi na marunong siyang umarte at hindi lang bombshell .Lagpasan muna ni Loonyo ang kanyang flash in the pan phase bago ako manalig na there might be trouble in paradise lalo na nga’t parang sila-sila lang naman ang nagbobolahan.
Baka naman akala lang natin meron, pero wala, wala, wala naman talagang sweet music between Ivana at DJ kaya pigilan na ito!
Kiray gumagastos sa dyowa
On to another set of beauties, si Morisette Amon, go for gold na talaga ang pangangalandakan sa blissful state of relasyon with her kasintahan na si Dave Lamar.
Interesado ba talaga tayo sa eme ni Amon na partner in everything niya ang hombre? O, mas marami pa rin ang hindi maka-move on at hindi siya pinapatawad dahil sa kanyang pag-iinarte sa isang concert na siya ay special singing guest?
Para sa inyo ba eh the WHO na si Morisette and she can birit all she wants and wa na tayo care kahit pa nga super talented ang binibining mang-aawit at bahala na siya kung HP na HP siya sa piling ni David?
Eh si Kiray Celis na lang ang dalirutin natin ang relasyon sa jowa niyang si Stephan Estopia lalo na nga’t may bulag na chikang itinuturo na si Celis daw ang bida.
May katotohanan nga kaya ang sitsit na diumano, hindi marunong mag-compute ang dalaga pagdating sa kasintahan? Na how true na tuwing may mga kakulungan sa buhay ang hombre, eh si Celis nga ba ang nagkukusang loob na ito ay damayan at tulungan?
Sobra-sobra na yata ang paggamit niyo sa hand sanitizers kaya busilak na busilak kayo? Kahit kalian ba eh hindi niyo tinulungan sa abot ng inyong makakaya ang inyong mga minamahal? Walang masama sa pagsuporta at sa pagtulong lalo na nga’t hindi naman others ang dinadamayan ni Bb. Celis.
Mahal niya si Stephan. Mahal ni Stephan si Kiray and whatever they do as a couple, hayaan na natin sila at wag pakialaman.
Ang nakakabaliw parang mas may care pa kayo sa welfare ni Kiray kesa sa mga nangyayari kay Morisette na hindi pa nga natin sure kung ang kanyang parentals tinanggap na ang kanyang minamahal. Ang savage niyo kay Amon, huh!
Parang mas may pagkiling kayo sa comedienne kesa sa chanteuse who does not have a network pa kasi nga pinag-uusapan pa sa Kongreso.
Let us be fair and supportive to both ladies dahil sila ay nagmamahal at minamahal naman. Wag maging bitter kung wala kayong mister o lover okay?