Latest victim naman ng fake news ay ang Kapamilya star na si Ivana Alawi. Buong ningning na nakabilad ang pangalan at larawan niya sa Manila Bookings at may presyo pang nakalagay kung magkano ang booking niya.
Tumataginting na mahigit sa P2M ang presyo per oras ni Ivana na nakalagay sa site. At kapag 2 hours naman ay almost P5M na ang presyo.
Siyempre, nawindang ang kanyang manager na si Perry Lansigan at agad na itinanggi ang balita. Nag-post agad siya ng paglilinaw sa Instagram at nilagyan niya ng caption na “Fake News” ang advertisement ni Ivana.
Matatandaang ang nasabing site ay siya ring inireklamo ni Jackie Rice umano kamakailan dahil naka-advertise rin ang pangalan niya rito bilang escort girl.
Kasalukuyang wala sa bansa si Ivana kaya hindi pa namin alam kung may plano ba siyang mag-take ng legal action or maghain ng reklamo sa nasabing site.
Jo nag-enjoy sa karga ni Alden
Masayang-masaya ang Kapuso actress na si Jo Berry. Pagkatapos ng “Onanay” ay binigyan siya ulit ng bagong serye ng GMA-7 at si Alden Richards pa ang kasama.
Sa “The Gift” ay ginagampanan ni Jo ang ina na nagpalaki sa karakter ni Alden dahil nawalay ito sa biological mom nang maliit pa, kaya naman sila talaga ni Richards ang laging magkaeksena.
Mas bata si Jo kay Alden kaya natanong siya kung paano niya nagampanan ang role niya bilang ina ng aktor.
“Mahirap in a way, pero kasi, tinulungan po talaga ako ni direk LA kung paano ako mag-a-adjust, and si Alden din po, malaking tulong na pina-feel niya sa akin na puwede akong maging kumportable sa kanya, first few days pa lang, kaya naging magaan po ‘yung pagiging nanay ko sa kanya,” sey ni Jo.
Nagtutuksuhan ang mga staff and team kay Jo habang sinasabi niya ito kaya nahahalata talagang may crush ang dalaga kay Alden.
May mga eksena sa “The Gift” na karga-karga siya ni Alden at natanong siya tungkol dito. “Opo, kahit hindi po sa eksena, kinakarga niya ako,” sambit ni Jo.
Sigawan na naman ang team.
When asked kung ano ang nakakakilig kay Alden, sagot ni Jo, “Ay sobrang galing niya pong aktor. Hindi pa po ako artista, lagi ko na siyang pinapanood. So, ang daming instances dati na lalapit ako, magpapa-picture lang ako.”
At lagi rin daw niyang sinasabi dati pa kay Alden na sana raw ay magka-work sila kaya naman sobrang happy siya na natupad na ito.
Samantala, magsisimula na ang “The Gift” sa Sept. 16 sa GMA Telebabad. Ito ang pagbabalik ni Alden sa primetime pagkatapos ng “Victor Magtanggol” at ito rin ang first teleserye niya pagkatapos ng malaking tagumpay ng “Hello, Love, Goodbye”.