Sinuspinde ang may pinakamalaking pangalan sa bagong Big3 Basketball League ng Estados Unidos na si Allen Iverson kahapon (Manila time) dahil sa hindi maipaliwanag na absence sa games noong Linggo sa Dallas, Texas.
Nabigong abisuhan ng maaga ng player/coach/captain ng Three Company ang kanyang nasabing team at ang ligang sinilang nitong Enero sa kabila na humingi lang siya ng paumanhin sa kanyang pahayag sa Instagram.
(theofficialai3) “First and foremost, I apologize to Ice Cube and my Big3 family, my fans and everyone disappointed by my absence in Dallas this past weekend,” wika ni Iverson.
“I have spoke with Ice Cube directly regarding the details of my absence. I will do my best to make up for this moving forward on the Big3 tour.”
Pero walang dinahilan ang former Philadelphia 76ers superstar sa pagliban niya sa game. Makalipas ang pag-iimbestiga ng Big3 sa pag-absent ni Iverson, hinambalos siya ng one-week suspension. Ma-mimiss niya ang game sa Kentucky ngayong weekend.
Nakipag-skating sa thin ice ang 42-year-old cager sa fans at liga makalipas na lumiban din sa inaabangang Philadelphia homecoming game noong July 16. Binigo niya ang mga fans nang ianunsyo ng liga na hindi siya maglalaro minuto na lang bago ang tip-off.
Ang rapper na si Ice Cube, na isa sa dalawang league’s co-founder, ang nag-isyu ng statement na tumitiyak na seryoso ang liga sa ginawa ni Iverson.
“Well, we talked about holding up the legitimacy of the league and he knows that him not showing up hurts us,” litanya ni Ice Cube sa USA Today.
“Who’s happy to be suspended? Nobody. But he understands that it’s a necessary step in the development of the BIG3 who don’t believe what we’re doing and what we’re going to do in the future.
Our league is bigger than one man, and we’ve got Hall-of-Famers, champions, All-Stars, first-round picks, and we have to think about them. He understands that.”