Delikado pero epektibong sasakyan ang motorsiklo upang makaiwas sa napakabagal na daloy ng trapiko sa iba’t ibang kalsada saan mang parte ng bansa.

Subalit ang pagtaas ng mga aksidenteng kinasasangkutan ng motorsiklo sa kalsada ay lubhang nakakabahala.

Ang mga aksidenteng ito ay kadalasang nagdudulot ng malalang pinsala o pagkamatay kaya’t dapat seryosohin ng mga motorcycle riders ang pagmamaneho nito.

Narito ang ilan sa mga kapaki-pakinabang na tip upang maiwasan ang disgrasya sa pagsakay ng motorsiklo:

• Kumuha ng propesyo­nal na nagti-train o magsanay sa wastong pagsakay sa motorsiklo.
• Siguraduhing may license to drive, maraming mga nasasangkot sa aksidente sa motorsiklo ang wala man lamang lisensiya sa pagmamaneho.
• Don’t Drink (ALCOHOL) and Drive!! Big No talga ito. Kung nakainom mag-commute na lang pauwi.
• Gumamit ng mga helmet na nagmi-meet sa standards ng Department of Transportation (DOTr).
• Wear protective clothing, kasama sa mga ito ang goggles o shades para sa proteksyon ng ating mga mata, jacket, full fingeres gloves, pantalon at over the ankle boots o sapatos.
• Ang pagsusuot ng mga matitingkad na kulay na mga motorcycle clothings o gears ay malaki ang maitutulong upang makita sa kalsada lalo na sa gabi.
• Siguraduhin ding mayroon kayong proper maintenance at monitoring ng inyong mga motorsiklo.
• Iwasan ang pagsi-share ng lanes sa ibang sasakyan katulad ng kapwa motorsiklo o kotse dahil posibleng hindi nila kayo mapansin.
• Magmaneho ng naaayon sa inyong skill level, huwag masyadong mayabang.

Breaking Habits para sa motorsiklo

Ang mabagal na pag-squeeze sa inyong lever ay ang mas epektibong pagpi-preno, pareho rin lang sa trigger ng baril, gamitin ang dalawang daliri at marahang ibalik ito sa dati.

Isa pang bagay na dapat tandaan ay panatilihin ang inyong mga siko na nakabaluktot at hindi naninigas sa pagkakatuwid, mas epektibo kasi kung nakabaluktot ang siko dahil mas mada­ling i-flexed.

PAANO I-GEAR UP ANG MGA KIDS PARA
SA LIGTAS NA PAGSAKAY SA MOTORSIKLO

Unang dapat sundin ay kailangang umaabot ang paa ng batang angkas sa foot rest ng motor at kinakailangang nakakayakap na sa driver ito.

Siguraduhing ding meron silang mga proteksyon gears katulad ng mahabang pantalon, jacket, gloves, sapatos at matibay na helmet na sukat sa kanilang ulo.

Dapat ding alam ng inyong mga anak ang mga tuntunin sa kalsada bago mo siya ibiyahe.

RIDING IN GROUP

Kung magmamaneho ng grupo kayong magkakasamang riders ay siguraduhing ang mas eksper­yensadong rider ang nasa unahan ninyo.

Huwag magkumpululan at siguraduhing may 20 hanggang 30 yardang espasyong pagitan sa bawat motor.

PROTEKTAHAN ANG SARILI

Huwag magmaneho ng napakatagal nang walang hintuan para makapagpahinga. Kumain o uminom ng tubig lalong lalo na kung napakainit.

NIGHT RIDERS!

Kinakailangan ang pag-iingat sa mga nagmamaneho ng gabi, kasi madilim na! Iba ang ilaw ng headlight sa ilaw ng sunlight!

Ang pagmamaneho ng motorsiklo sa gabi ay kinakailangan ng mga reflective gears at iba pang mga bagay para mapansin ng ibang motorista.

SAFETY ROAD TIPS!!!

• Sundin ang lahat ng traffic rules at signs.
• Panatilihin ang mga safe distance ng mga sasakyan sa harapan mo.
• Gamitin ang inyong side mirrors, hindi naman ‘yan display. • Laging pumuwesto sa may bahagi na kung saan ay nakikita kang ng sinusundang sasakyan.
• Hangga’t maaari ay lumayo o umiwas sa mga speeders o kaskaserong magpatakbo. In short huwag makipagkarera.
• Laging isaisip, six letters na ito… BRAKES!, sa iba’t ibang instances ay iba’t ibang pagpipreno rin ang ina-apply.
• Hangga’t maaari ay huwag gumamit ng cellphone habang nagmamaneho.
• Huwag balewalain ang mga pedestrians crossing.

Sa susunod na magmamaneho ng motorsiklo ay laging tatandaan ang inyong preno, dahil ang preno ay napakarami nang nailigtas na buhay!

Dobleng ingat lagi sa pagmamaneho!