Iwas-buryong: Enrique nag-make up kay Liza

NI: Archie Liao

Naging viral ang ibinahaging video ng magkasintahang Liza Soberano at Enrique Gil kaugnay ng pagme-makeup ng aktor sa kanyang girlfriend.

Sa video na may pamagat na Boyfriend Does Make Up with Liza Soberano, ipinakita ni Quen ang kanyang makeup skills sa pagpapaganda kay Liza . Ginawa niya ito sa kuwarto ng kanyang kapatid na si Andi.

Bumilib naman si Liza sa creativity ng kanyang boyfie na ayon sa kanya ay papasa bilang make up artist.

Sey naman ni Enrique, nag-enjoy daw sila ni Liza habang kinukunan ang naturang video.

Ginagawa raw nila iyon para mapasaya ang kanilang mga fan. Ito’y para maibsan ang nararamdamang pagkabagot sa bahay ng pamilyang Pilipino sa panahong dumadaan ito sa matinding krisis dala ng COVID-19 outbreak.

Nangako naman ang LizQuen na patuloy na magbibigay ng makabuluhang content sa kanilang YouTube channel.