Tag-ulan na naman kaya hindi na nakakapagtakang maya’t maya ay mayroon tayong makikitang mga aberya sa lansangan, gaya ng pagtirik ng sasakyan at mga aksidenteng hindi nararanasan sa panahon ng tag-araw.
Isa lamang sa mga aksidenteng madadalas na nagaganap sa tag-ulan na hindi gaanong nabaalita sa panahon ng tag-araw at tag-init ay ang hydroplaning.
Ano nga ba ang hydroplaning at paano ito nangyayari?
Ang hydroplaning ay isang pangyayari kung saan ay nagsisilbing harang sa pagitan ng kalye at mga gulong ang tubig na nasa ibabaw ng kalsada.
Pero kahit baha basta hindi kataasan ay hindi ito mangyayari sa mga sasakyan na nakatigil o kaya ay mabagal lamang ang takbo.
Ito ay nangyayari kapag mabilis ang takbo at hindi naging maagap sa pagdiskarte ang drayber kapag naramdaman na niya ito.
Mataas ang tsansa ng hydroplaning sa mga goma na manipis na ang thread dahil nangangahulugan na hindi ito makakapit o makakamot ng maayos sa kalye kapag tumatakbo ng matulin, resulta puwedeng mawala sa direksiyon ang takbo ng sasakyan na posibleng maging dahilan ng aksidente.
May mga pagkakataon pang nagbubuwis ng buhay ang mga nasasangkot sa ganitong uri ng aksidente pero hindi man magalusan ang sakay ay siguradong hindi biro ang gagastusin sa pagpapakumpuni ng sa sasakyan.
Maiiwasan ang hydroplaning sa ilang mga paraan;
1.Panatilihing stock ang rims at goma dahil ito ang balansiyadong balansiyado para sa inyong sasakyan. Inaral ito ng maayos ng planta bago ikabit sa sasakyan.
2.Laging suriin ang hangin ng mga goma. Kung ano ang sinasabi sa specs batay sa handbook ng sasakyan ay sundin o kaya ay kumonsulta sa mga matitinong tire at vulcanizing shops lalo pag maglalakbay ng malayuan sa panahon ng ulan at baha.
3.Kung may badyet naman, palitan na ang goma na manipis na thread upang mapanatili ang kapit o kamot sa kalye kahit pa tumatakbo ng may kabilisan sa mga daaanang matubig.
4.Talasan ng drayber ang pakiramdam at hangga’t maari ay magbagal sa mga kurbadang matubig at hindi pa gaanong kabisado.
Ayan, sana ay nakatulong po ako sa inyo. Kuwentuhan po tayo add niyo ako sa FB @Carlito Evangelista.
Ayos ba?