‘Iyot’ ni Andanar, pamatay sa EJK issue- Gabriela

Nililihis lamang umano ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar ang tunay na usapin sa hindi nalulutas na mga kaso ng extra-judicial killings (EJKs).

Kaya imbes na sagutin at ipaliwanag ang isyu ay nagpapalusot diumano si Andanar at dinaan sa kabastusan sa pamamagitan ng pagtaguri na “maiingay na palaiyot” ang European organizations na pumupuna kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kina Gabriela Women’s Party Rep. Emmi de Jesus at Rep. Arlene Brosas, sobra o bitin man sa sex ay wala itong saysay at kaugnayan sa hindi maawat na EJKs sa ilalim ng rehimeng Duterte.

Kaya naman ang tanong ng Gabriela solons, hindi ba kayang sumagot nang direkta ni Andanar kung bakit ang war on drugs ng gobyernong Duterte ay nagresulta umano sa pagkatay ng libu-libong bilang ng mga pobreng Pinoy.

“Andanar’s response is at the very least a distasteful and desperate attempt to divert the issue, using vulgarity to avoid accountability over the killings and rights violations under Duterte,” ayon sa pahayag ng Gabriela solons.