NGAYONG araw na ito, bilang isa sa mga salingkit sa Sisikat Din Ako, ang aklat ni Noel Ferrer na kapwa Abante Tonite kolumnista at manager of the celebrities that matter, in full support ako at present sa mini-show, forum at book signing na si Noel din ang punong abala.

Isang taon na palang nasa merkado ang a­ming libro.

Tandang-tanda ko pa ang unang meeting namin, ang diva that you love, kasama sina Arnel Ramos at Jerry Donato, with Noel of course.

Late ako sa aming tipanan at hindi ako naka-floral dress during the tagpuan. Hahahaha!

Nang binigay na sa amin ni Noel ang ba­langkas at chapters of the book na assigned sa bawa’t isa sa amin, nakakanerbiyos at nakaka-pressure.

Kasi nga, “first time” ko na maging “mini” may akda.

Kinabahan ako dahil baka hindi pa sapat ang aking kaalaman at karanasan para sumulat ng dalawang chapters na hindi ganoon kadali tahiin.

With the able gui­dance of Arnel & Noel, nabuno ko ang assigned pages ko.

Sobra ko ring na-appreciate ang sinulat ni Ramos dati sa isa niyang post na I take “criticisms” and “instructions” with an open mind kaya happy siya na when I send him back the chapters, kitang-kita niya ang improvement.

Hindi ko alam kung sinu-sino na ang bumili sa libro. What Noel hopes is maging guide siya sa sa people who want to be part of the industry.

Na hindi madali ang showbiz. Pero ‘pag may talent ka, swerte, perfect timing and you conti­nue to make yourself relevant as your career prog­resses, ay!

Hindi ka lang may chance, sure na sure na sisikat ka.

***

Sa anniversary shindig today, nawa’y maka-rubbing elbows namin muli sina Iza Calzado, Edgar Allan Guzman at iba pang wards & friends ni Noel sa industriya.

Special mention sa amin sina Iza & Edgar, kasi, sila ang dalawang talents ni Ferrer na may pananalig kami sa mga husay nila bilang aktor at aktres.

Ang panalo pa sa da­lawang ito, laging magiliw at sinsero ang pakikitungo sa amin.

Calzado and Guzman continue to surprise us with their career choices and we have to give credit to Noel for that.

Happy first year anniversary sa Sisikat Din Ako writing team. What makes this book special to me kasi kasama ko ang mga kaibigan ko sa librong ito.

Ang saya lang.