Iza, binasbasan na ni Hilda

Nagkita sa Bb. Pilipinas USA sina Hilda Koronel at Iza Calzado. Si Iza ang isa sa hosts kasama si Marc Nelson sa Redondo Beach Theater for Performing Arts.

Judges naman sina Margie Moran at Hilda Koronel.
Matagal nang sinasabing si Iza ang Hilda Koronel ng kanyang henerasyon, na kinumpirma ni Hilda at sinabing may basbas niya si Iza at anak na ang turing niya rito.

Sana, magkaroon ulit sila ng proyektong magkasama at sila talaga ang magka-peg sa husay at ganda among our local actresses.

***

YAMAN din lang at nagpapabata siya sa kabila ng pagsasabing hindi age appropriate ang hairstyle niya sa magkakuwarenta ay tuloy na tuloy na si Piolo Pascual sa bagong project with Regal Films na either Once In A Lifetime or Northern Lights ang title.

Sa New Zealand daw ang shooting na magsisimula sa isnag buwan.
Santos ang kapareho rito ni Piolo, pero hindi si Judy Ann kundi si Yen Santos.

Hindi ito ang una niyang pelikula sa Regal dahil nagkaroon na sila noon ng I Think I’m In Love ni Joyce Jimenez na so-so lang ang kinita sa takilya.

***

Yes, Cesar G!

2013 pa ikinasal si Anna Larrucea!

At ayon sa isang asssitant ni Direk Peque Gallaga, sa Costa Rica na naninirahan ang dating child actress kasama ang kanyang husband.

Hopefully, makagawa kami ng feature story tungkol sa kanila….

***

Totoo nga kayang nag-audition noong Linggo sa La Banda ang kapatid nina Aljur at Vin Abrenica na si Allen sa ABS-CBN?

Abangan natin kung nakapasa si Allen at kung katulad ng mga naunang kapatid niya, masundan kaya niya ang kanilang pananalo sa sinalihang mga reality show.
Let’s just wait and see.

***

Umurong ang Larawan, The Musicale sa September 21 playdate kaya masosolo na ito ng Hermano Pule na magpe-premiere sa Cinemalaya bilang closing film.

Nag-additional shooting day pa at inaayos pa ang post-production ng napakalaking proyektong Larawan kaya malamang na sa 2017 ito maipalabas.

***

Relaxed at maganda ang pagkaka- rebond ng buhok ni Senator Grace Poe sa pagbubukas ng Senado kahapon.

Si Senator Loren Legarda ang consistent sa pagkaposteryosa.

At si Senator Bam Aquino naman ay mas kamukha ng uncle niyang si Ninoy kaysa sa anak ni Ninoy na si Noynoy.