NAG-SCREENING ang pelikulang Bliss ni Direk Jerrold Tarog kagabi sa UP Film Center.

Doon ito pwedeng maipalabas dahil wala pa itong permit mula sa MTRCB.

Gusto lang nilang mapanood ng mga tao kung dapat bang bigyan ito ng X rating ng MTRCB.

Ngayong araw ang second review nito sa MTRCB at inaasahang tatanggapin nila ito at bibigyan ng R-16 o kahit R-18 na rating.

Nag-post na si Iza sa Instagram na sumusunod sila sa tamang proseso na isusumite para sa second review ang naturang pelikula, at umaasa sila ng positibong resulta.

Ani Iza, “The past few days has been a little crazy and overwhelming for me. I appreciate the support of so many of my friends and even strangers!

“I believe that we, everyone behind Bliss, will come into an agreement with the MTRCB.

“I know that we can work together to give our audience the best version of the film that they deserve. Good vibes lang. Mabuhay!”