Iza, inilinya kay Angelina Jolie

Iza Calzado

HAVEY: Kakaibang Paolo Ballesteros ang mapapanood ng mga tao sa pelikulang Die Beautiful.

Medyo kinabahan ako nang mapanood ko ang nauna niyang pelikula na Bakit Lahat Ng Guwapo May Boyfriend dahil nakita kong hindi pa kumportable si Pao sa pagganap sa big screen.

Dahil comedy siguro, malaki pa ang kanyang actions at halata mo pang umaarte and playing to the audience.

In fairness, nakakaaliw siya dahil comedy iyun.

Ngunit nang mapanood ko ang Die Beautiful, mas kontrolado at maayos ang timpla ng kanyang pagganap dito.

Hindi na lang basta nagpatawa si Paolo rito kun’di naglahad ng totoong kuwento ng buhay ng isang transgender.

Grabe ang support dito ng mga mahuhusay na aktor sa industriya para kay Paolo tulad nina Joel Torres, Gladys Reyes, Luis Alandy, Albie Casiño, Inah de Belen, IC Mendoza, Lou Veloso at maging sina Iza Calzado at Eugene Domingo.

Naaliw lang si Iza dahil kine-claim na niya na siya ang “lucky charm” ni Direk.

Eugene Domingo
Eugene Domingo

Simula nang magkatrabaho sila sa Barber’s Tales ay kasama na lagi si Iza sa hit movies ni Direk Jun tulad ng MMFF entry last year na Haunted Mansion at ngayon, itong Die Beautiful.

Napanood ng foreign critic na si Maggie Lee ang Die Beautiful sa Tokyo­ at pagdating niya sa Hanoi para sa filmfest doon kung saan nandoon din si Iza, puring-puri niya ang segments ni Izadora.

Inilinya kasi si Iza sa mga tulad ni Angelina Jolie, Julia Roberts, Katy Perry, Miley Cyrus.

“Salamat at international star talaga ako, kaya suportahan natin ang pinagkaguluhan sa international filmfest na Die Beautiful,” sabi ni Izadora.

Isa pang may special parti­cipation ay si Eugene Domingo na bongga ang entrance sa pelikula.

Isa siyang kilalang fashion designer na nag-donate ng pamalit ng gown ni Paolo sa lamay.
As always, maga­ling si Uge sa kanyang ­moment.

With all the notable performances, people should take notice of Christian Babbles na ­gumanap bilang bestfriend ni Paolo.

I know who the real choice was for the role, but I clearly understood why it was changed the last minute for Christian. Mahusay itong baguhang artistang ito na tama at sakto lang ang timpla nila ni Pao.

Never siyang nanapaw pero damang-dama mo siya.

***

WALEY: Malaking balita ang tungkol sa lite­ral na kababuyan ni Baron Geisler sa set ng pelikula ni Arlyn dela Cruz kasama si Ping ­Medina.

Marami ang nakisimpatiya kay Ping sa industriya, kabilang ang Film Development Council of the Philippines Chair na si Liza Diño.

Kailangan sigurong kumilos ang Actors Guild ukol dito at bigyan ng karampatang sanction.
Will Baron get away with this one… again?

Let due process and a fair, objective trial ­prevail.

Dahil sa isyu na ito, marami pang ibang experiences ukol kay Baron ang lumutang.

Napabalitang sa nananahimik na TV5 studios sa Novaliches ay nakatakdang mag-guest si Baron sa Everybody Hapi na sitcom, tampok sina John ­Estrada at ­Eugene ­Domingo.

Kinuha ng staff si Baron (who has just won the best actor award for the movie Jay) para sa isang role ng bading na kaibigang may crush kay John.

Dumating si Baron at aware siya sa kanyang role. Nabasa niya ang script kaya lang ay pinababago niya ito dahil hindi raw siya totoong bading.

Nagalit siya sa staff at nagtaas ng boses hanggang siya na ang nagdesisyon na hindi na niya gagawin ang role.

Feeling nabastos dito ang mga artista at staff pero nanahimik na lang sila para wala na lang gulo.

Ang punto lang ng staff eh sana, sinabihan na sana sila agad earlier o hindi na lang siya nagpunta at nagwala pa sa set para hindi naabala ang taping at nasayang pa ang oras.

Buti na lang at bandang hapon, nang nakaalis na si Baron ay napakiusapan na Uge at ng staff na si John ‘Sweet’ Lapus na lang ang gumanap sa papel na ikinainit ng ulo ni Baron.

Buti at naisalba ni Sweet ang taping at kung hindi, wala silang ieere noong linggong iyun.
Let Baron learn his lesson first. Let him experience the consequences of his actions.

Let him not get away with this — with his sob stories about his mom and his being persecuted and misunderstood.

In short, time out muna. Umayos ka muna Baron.