MASTERPIECE ang tawag ng producers ng Bliss sa bagong pelikula ni Direk Jerrold Tarog, na nagdirek ng commercial at critical hit na Heneral Luna.
Sey ng mga produ ng TBA Studios, they were in between laughing, shocked, and horrified sa Bliss dahil kakaiba ito.
Ayon kay Direk Jerrold, sinadya niya na after Heneral Luna ay sobrang iba muna ang gawin niya para mabawasan ang sobrang taas na pressure sa kanyang follow-up movie.
Napakasimple at maliit na pelikula ang description niya sa Bliss.
Maraming sources ang psycho-thriller na Bliss kabilang ang Perfect Dream film na tungkol sa isang aktres na nababaliw na at hindi alam kung panaginip ba ‘yon o reality.
Nabanggit niya rin ang Misery ni Rob Reiner at ang Ingmar Bergman film na Persona.
May shots sa Bliss na plakado sa Persona.
Ang kuwento ng batang si Rose na minolestiya ng isang babae ay galing sa isa niyang kaibigan na ganu’n din ang naranasan, tapos ay nagustuhan nito ‘yung cycle of abuse at lumaki itong maysakit.
Ang sabi sa amin ni Direk Jerrold, hindi pa ito ang pinakabaliw niyang movie.
Hindi pa full baliw ang Bliss, pero sobrang napagod siya sa paggawa nito, kaya baka matagal-tagal pa bago siya gumawa ng katulad nito.
Ang susunod niyang pahirap sa sarili niya ay ang Goyo na next installment after Heneral Luna.
Kakatwa ang nangyari sa bida ng Bliss na si Iza Calzado dahil sa pelikulang ito natupad ang dream niya na manalo ng international award (sa Osaka filmfest sa Japan).
Ani Iza, hindi niya ‘yon naisip nang gawin niya ito dahil psycho-thriller ito, so genre film na hindi niya alam kung saan maipapalabas.
Ginawa lang niya ito to break the mold.
Ang galing lang na natupad in real life ang pangarap ng karakter niya sa movie na si Jane Ciego na mag-win ng international award.
Pinakamahirap for Iza ‘yung final scene na meron siyang frontal nudity at saka ‘yung paulit-ulit na eksena na iba-iba ang reaksyon niya dahil pabaliw na siya nang pabaliw.
Aminado sina Iza at Direk Jerrold na nakatulong ang X-rating na unang ibinigay sa pelikula para magkainteres ang publiko dahil dumami ang gustong manood nito.
Umaasa sila na tulad ng Heneral Luna ay bongga rin ang maging word of mouth ng pelikula.
Rated R-18 without cuts ng MTRCB ang Bliss kaya wala ito sa SM cinemas.
Watched Bliss today sa Glorietta..in fairness puno ang sinehan ha…nung una ay naguguluhan ako sa istorya…tulad rin ng character ni Iza ako man ay nagtatanong kung alin ba ang totoo at ano ba ang hindi…at ayun nalinawan rin ako…ang galing! Ni hindi ko naisip yun hihihi..maganda sya at mapapaisip ka talaga…maganda rin yun frontal ni Iza hahahah..di ko sure kung kanya ba yun sa ibabang parte though side view e masyadong matambok at makapal ang buhok hahahaha