HAVEY: May anak na ang ex-boyfriend ni Iza Calzado na si Atticus King.

Matagal din ang kanilang relasyon at hanggang ngayon ay kaibigan pa rin si Iza ni Atticus at ng kanyang pamilya.

Kaya naman si Atticus, major ang post sa kanyang social media account bilang proud father ni Amara Storm King.

Aside from thanking the mother of his daughter, Kim Epil , heto ang sabi ni Atticus:

“It won’t be easy having me as your father, but I pro­mise to do what it takes to make sure you grow up in an environment filled with love and laughter, that your reaso­ning is groun­ded in science (even if you’re a girl), that your mind is always aware and open to new ideas and not corrupted by antiquated paradigms and inefficient dogmas, that you become a beacon of compassion and inspiration and that you achieve excellence in all your endeavors.

“I can’t wait to create some amazing memories with you in our time together on the planet, welcome to life, welcome to earth, Amara Storm King.”

Isa si Iza sa mga unang nagla-like sa posts ni Atticus tungkol sa anak nito.

Kahit mag-ex, nanana­tiling maganda ang relasyon nina Iza at Atticus na nakita nating nagdadamayan noong mamatay ang daddy ni Iza at Atticus, hanggang sa pag-a-out ni Ian King, hanggang sa pagsilang ni Amara.

“Magkausap lang kami ni Atts the other day, biniro ko nga siya kung ninang ba ako ng anak niya.

“Sabi ko, dapat gaga­lingan niya bilang tatay kasi bago ‘yang responsibilidad na ‘yan sa buhay niya,” sabi ni Iza.

Oh well, ganyan yata kung positive ang aura at peace lang sa lahat.

Iza will be a recepient of the Global Excellence Award alongside Charo Santos among others sa Guillermo Mendoza Box Office Awards.

She also has 3 mo­vies in the pipeline and a top rating teleserye in A Love To Last.

“Good vibes lang, especially since palabas na commercially sa May 10 with no cuts ang Bliss na tiyak na naiiba at kapuri-puri, bring them on lang,” sabi ni Izadora.

***

Rachelle Ann, inaalagaan ng BF
Rachelle Ann, inaalagaan ng BF

WALEY: Waley caption ang litrato at post ni Rachelle Ann Go na may kasama siyang afam na nakahilig ang kanyang ulo.

From her previous posts, nakasama na ni Shin itong lalaking ito na nasa isang group shot, na napag-alaman namin na nagnga­ngalang Martin Spiel.

The week prior nito ay magka-text kami ni Shin na sinasabing naging masasakitin siya lately at dahil sa weather, nawawalan siya ng boses.
Ang sabi ko, mag-iingat ka diyan dahil mahirap magkasakit, lalo na sa ibang bansa na wala ang pamilya niya na mag-aalaga sa kanya.

Napa-oo naman siya at nagpasalamat, pero ang punchline niya sa akin ay huwag akong mag-alala dahil mara­ming nag-aaalaga.

‘Yun na!

Maligaya ako kay Shin kung totoong ito na ang boyfriend na ipinagdasal niya.

Hayaan ninyo, kukuha pa tayo ng maraming kuwento ng inspirasyon sa bagong nagmamahalang sina Shin at Martin.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

2 Responses

  1. hahaha!! yan tama yan…ipromote mo ang alaga mo n ewan ko nlng kung kilala pa ng mga manonood hahahaha!! wow! talga top rating ang paglalagay mo s serye nya na simulat simula nde man lang makasabay s serye ni Barbie at ng mga apat n baguhang aktor hahahaha!! no wonder n wala talgang appeal s serye c Iza at lalo n c Bea hahahaha!! lahat ng mga ginawang serye nila s brand x flop except for Iza nung nasa GMA sya dahil lahay patok hahahaha!!! napaka pathetic mong wirter Mr. Ferrer…kung ako syo baguhin mo n ang style mo dahil halatang bayad n bayad hahahaha!!!

    1. Wawa ka naman, naghallucinate ka na, nagiisa ka na, iniwanan ka na ng mga kasamahan mo. Tama na kasi ang paghihithit. Ako na lang ang pumapansin sa basura mo