“MABUHAY ka, Jerrold! Baliw ka!” ang magiliw na bulalas ni Iza Calzado sa direktor niyang si Jerrold Tarog pagkatapos ng full house special screening ng pelikulang Bliss sa Cine Adarna ng UP Diliman.

Emosyonal si Iza sa napakainit na response ng UP audience, kaya malamang iiyak daw siya pabalik ng kanyang taping.

Sakto lang ‘yung dating ni Iza sa teatro kaya naabutan niya ang masigabong palakpakan ng crowd.

Sobrang na-touch ang Kapamilya actress dahil hindi nila sure nina Direk Jerrold kung magugustuhan ito ng mga manonood.

Gaya ni Iza ay applauded din ang mapa­ngahas na co-star niya na si Adrienne Vergara.

Hubad kung hubad si Adrienne sa pelikula kaya ang lakas ng tawanan nang sabihin nitong nandu’n sa audience ang nanay nito.

Sey ni Iza, “Nahiya pa siya (Adrienne) to touch my boobies. I said, ‘Just go!!’”

***

Ang laking bagay na nakakuha ng X-rating ang Bliss sa unang rebyu rito ng MTRCB dahil nagkaroon ito ng ingay at ang daming na-curious sa pelikula.

Ang totoo ay hindi ito ‘yung pangkaraniwang pelikula na mag-a-appeal sa masa, pero dahil sa X-rating controversy ay marami na ang nag-aabang dito.

In all fairness ay mahusay talagang direktor si Jerrold at tumodo siya sa pagpapakabaliw sa psychosexual thriller na ito.

Bukod sa performan­ces ay very impressive ang technical aspects ng pelikula bilang napakametikuloso ni Tarog dito.

‘Best in Editing’ agad ito para sa amin, sa husay ng pagkakatagni-tagni ng mga eksena na hindi basta-basta magagawa kung hindi de-kalibre ang direktor.

Showbiz na showbiz ang tema ng Bliss tungkol sa aktres na si Jane Ciego (Iza Calzado) na nasa bingit na ng pagka-burnout kaya nagprodyus ito ng pelikulang kakaiba at pang-award.

May nanay si Jane na isang stage mother at mas concerned sa salapi niya kesa sa well-being niya.

At meron siyang asawa (TJ Trinidad) na kaduda-duda rin ang pagkatao.

Nagsimula ang BANGUNGOT ni Jane nang aksidente siyang mahulog sa shooting at ma-paralyze siya, dahilan para i-confine siya sa basement ng isang ospital.

Pakiwari niya ay bihag siya sa kuwartong ‘yon, na hindi na niya alam sa sarili niya kung alin ang totoong nangyayari at alin ang kathang-isip niya.

Dito pumasok ang elementong horror na kung hindi marunong ang direktor ay magmumukhang katsipan at katawa-tawa.

Isang malaking TORTURE ang pinagdaanan ng karakter ni Iza, lalo na nang umentra na ang demonyang nurse na si Lilybeth/Rose (Adrienne) na matindi pala ang pagnanasa sa kanya.

Walang keber sa frontal nudity ang baguhang si Adrienne at DUKIT KUNG DUKIT ito sa harap ng salamin.

Maiinggit ang mga lesbiana sa KAHALAYANG ginawa ng hitad na karakter ni Adrienne sa walang laban na si Iza.

Si Ian Veneracion ang movie counterpart ng mister ni Iza na si TJ Trinidad.

In fairness ay mas borta at mas yummy ang dating ni TJ kay Ian sa pelikula.

SHOCKING ang Bliss kumpara sa pangkaraniwang Pinoy movies na napapanood natin, pero hindi ito porno flick para patawan ng X-RATING.

May foreign films na ‘di hamak na mas nakagugulantang ang kahalayan at karahasan kesa rito.

Sa huli ay hahanga ka kay Direk Jerrold Tarog for PUSHING THE BOUNDARIES sa pamamagitan ng mga progresibong proyekto na katulad nito.

Sa May 10 ang showing nationwide ng Bliss na bago na sa paningin at panlasa ay may tama pa sa utak!

2 Responses