WALEY: Naganap din noong weekend ang celebrity screening ng pelikulang BLISS.

Parang nagsanib-puwersa ang mga Kapamil­ya at Kapuso at mga kaibigan sa industriya para suportahan itong pelikula ni Iza Calzado under Direk Jerrold Tarog.

Maliban sa mga pamil­ya ni Iza at ng boyfriend niyang si Ben Wintle, nandu’n sina Karylle, Zia Quizon at Robin Nievera, Charo Santos-Concio, Malou Santos, Direks Laurenti Dyogi, Erick Salud, Ruel Bayani, Lilybeth Rasonable and Redgynn Alba, Julia Barretto at Joshua Garcia, Vicki Belo and Quark Henares, IC Mendoza, Sylvia Sanchez at Ria Atayde, Bianca King, Raymond Gutierrez, Isabelle Daza, Teri Malvar, Sam YG, Louise delos Reyes, Gab Valenciano, Steven Silva, at Kate Alejandrino.

Ultimo si Vice Ganda sumuporta kay Iza.

At heto ka, ang ex niyang si Jerry Garcia at ang ex-GF ng ex niyang si Atticus King na si Bubbles Paraiso ay sumuporta rin! Ok din sana si Atticus except that hindi nila maiwan ang bago nitong anak.

Mamayang gabi, iba pang set ng mga artista ang susuporta kay Iza.

Ultimo mga MEMES tungkol sa BLISS ay nakakatuwa rin at tulong ng viewers para ma-promote pa ito.

Sana, mas marami pang makapanood nitong BLISS kahit limitado ang mga sinehan na palabas ito dahil sa R-18 rating.

***

HAVEY: Ginanap kagabi ang Box Office Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Foundation sa Henry Lee Irwin Theater ng Ateneo de Manila.

Nagsilbing hosts sina Iza Calzado, Christian Bautista, Kim Chiu, at Enchong Dee.

Halos lahat ng WHO’S WHO sa industriya ay may award, kabilang sina Vice Ganda & Coco Martin, Daniel Padilla & Kathryn Bernardo, Dingdong Dantes, Vilma Santos, Jericho Rosales, Kim Chiu, Alden Richards & Maine Mendoza, James Reid & Nadine Lustre, Vic Sotto, Angelica Panganiban, Arjo Atayde, Susan Roces, Enrique Gil & Liza Soberano, Joshua Garcia & Julia Barretto, Joseph Marco, Yassi Pressman, Martin Nievera, Erik Santos, Regine Velasquez, Angeline Quinto, Sarah Geroni­mo, #Hashtags, That’s My Bae, McNeal ‘Awra’ Briguela, Simon ‘Onyok’ Pineda, Xia Vigor, Ian Veneracion, Jodi Sta. Maria, Luis Manzano, Toni Gonzaga-Soriano, Ogie Alcasid, Lav Diaz, Charo Santos-Concio, Jaclyn Jose, Hasmine Killip, Paolo Ballesteros, Iza Calzado, Ai Ai de las Alas, at Lotlot de Leon.

But since sa ABS-CBN ipapalabas ang coverage nito ay may ilang Kapuso stars na hindi na rin inasahang makakadalo.

***

For your comments, opinions and contributions, you can DM me on IG and tweet me at @iamnoelferrer.

One Response

  1. ooopppsss!! tinatanong mo Mr. Ferrer kung san pupulutin ang AlDub s GMMF awards?? ayun Mr and Ms Prince and Princess of Movie lang nmn hahahaha!!! TY s mga comment mo kc alam n tao n mas kumita ang IYAM kaysa Babalu oopppsss Balu pala hahahaha!!