Jach hatid ay ikapitong gloria

Markado si Jach Manere sa 6th cycle ng “Asia’s Next Top Model.” Nasungkit niya ang seventh place. Isa siya sa dalawang Pinay na nakipagpaligsahan sa nasabing show.

Nakasama niya si Adela-Mae Marshall.

Professional model si Jach at member ng Professional Models Association of the Philippines.

Sumabak na rin siya sa pag-arte. Isa siya sa bagong karakter na pumasok sa “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Kasama niya sina Denise Laurel, Phoebe Walker, Louise Gertrude at Ana Jalandoni.

Kamakailan ay nagpasilip ng alindog si Jach sa kanyang Instagram account. Nagpaandar siya ng kaseksihan bilang huling hirit sa tag-init. Hatid naman nito’y ikapitong gloria sa mga kalalakihan. (RFC)