Jack Ma magbibigay uli ng mga testing kit

Magkakaloob muli ng donasyon ang kaibigan ni Senador Manny Pacquiao, ang Chinese billionaire at Alibaba founder na si Jack Ma, ng karagdagang 50,000 COVID-19 testing kit sa Pilipinas.

“Patuloy tayong nagko-communicate [kay] Jack Ma, pati `yung sa ibang mga kaibigan natin, marami na ngang nagdo-donate din,” pahayag ni pacquiao sa panayam sa ABS-CBN News Channel.

“And then good thing na si Jack Ma magbibigay pa ulit ng 50,000 testing kits,” dagdag pa nito.

Pero wala pang abiso si Pacquiao kung kailan darating sa bansa ang mga testing kit na ibbibigay ng kanyang kaibigang Chinese billionaire.

Noong Marso, nag-donate na si Ma ng 57,000 testing kit na nagkakahalaga ng P400 milyon sa foundation ni Pacquiao na siya namang nag-turn over sa Department of Health (DOH).

Bukod sa mga testing kit, nagbiday din ng 500,000 face mask ang Chinese billionaire. (Dindo Matining)