Jackie dumaan sa depresyon

Ni Aster A. Amoyo

Taong 2007 nang huminto sa kanyang showbiz career ang Fil-American singer-actress na si Jackie Forster. Nagsimula siya bilang isa sa members ng now-defunct youth-oriented program na “That’s Entertainment” .Naging contract star siya noon ng Regal Films bago naging freelancer.

First movie ni Jackie ang “First Time… Like A Virgin” na dinirek ni Mauro Gia Samonte in 1992 sa bakuran ng Regal Films. Dito ay nakasama niya sina Sunshine Cruz, Karla Estrada, Shirley Fuentes, ang yumaong comedian na si Rene Requiestas at iba pa.

Magmula noon ay naging sunud-sunod na ang paggawa ni Jackie ng pelikula. Ilan sa mga ito ay ang “Geron Olivar”, “Rodel Sta. Cruz: Halang ang Bituka”, “Tusong Twoson”, “Sanggano’t Sanggago”, “Michael and Madonna 2”, “Mga Syanong Parak”, “Teenage Mama”, “Sa Huling Paghihintay”, “Ging Gang Gooly Giddiyap: I Love You Daddy” at iba pa.

Nakasama rin noon si Jackie sa final episode ng “Survivor Philippines” . Nakasabayan niya sina Ellen Adarna at ang yumaong Isabel Granada.

Jackie was still young when she married cager-turned comedian Benjie Paras in 1994. Nagkaroon sila ng dalawang anak na parehong lalake – sina Andre (24) at Kobe (22). Pero hindi man lamang umabot nang sampung taon ang kanilang pagsasama bilang mag-asawa dahil nagkahiwalay sila in 2003.

Naiwan ni Jackie ang kanyang mga anak kay Benjie at tumulak siya ng Amerika para mag-aral.

As what everybody knows, hindi naging maganda ang paghihiwalay nina Benjie at Jackie. Lalo na pagdating sa kanilang dalawang anak na labindalawang taong napawalay sa kanya.

In 2007, nakilala ni Jackie ang Dutch expat na si Michel Franken at hindi nagtagal ay nagpakasal ang dalawa. At that time ay annulled na ang kasal ni Jackie sa kanyang unang mister na si Benjie.

Nagkaroon ng tatlong anak sina Jackie at Michel – sina Jared (13), Caleigh (9), at Yohan (4).

Dahil sa pagiging expat ni Michel, nagpalipat-lipat sila ng bansa tulad ng Malaysia, Singapore, Mexico, London, at China. Noong December 20, 2019 naman ay bumalik na sila ng Pilipinas, hopefully for good. “Tuwang-tuwa ang mga bata nang bumalik kami ng Pilipinas”, “They love it here, they have a lot friends at gusto nila ang Filipino food”, pahayag ni Jackie.

“There’s no place like home!” bulalas ni Jackie na umamin sa amin na dumaan sa depression nang magkasakit ng leukemia ang kanyang kaisa-isang anak na babae na si Caleigh Umabot ng two years and a half bago naka-recover. Nagpapasalamat siya sa Diyos na seven years na siya on remission. Nasabay pa noon ang pagnanais niyang mapalapit sa dalawa niyang anak kay Benjie na sina Andre at Kobe. Idagdag pa ang hirap nang palipat-lipat ng bansa, adjustments, maging ang kultura ng bawat lugar.

Naghirap sa China

Ang pinakamahirap umano ay nu’ng sila’y nasa Guangzhou, China dahil sa language barrier. Halos isang taon din sila roon. Pasalamat naman ni Jackie na nag-relocate na sila sa Pilipinas bago pa man pumutok ang coronavirus na nagsimula mismo sa China.

Kumpleto na ako at dininig ng Diyos ang mga panalangin ko

Noong first week ng January 2018 ay sorpresang nakatanggap ng tawag si Jackie mula sa kanyang second son na si Kobe Paras. After that call ay hindi na halos mapakali at makatulog ang (dating) actress kaya agad niyang kinausap ang kanyang mister na si Michel kung puwede siyang lumipad patungong Amerika para makipagkita sa anak na matagal na niyang hindi nakikita.

Ayon sa dating aktres, isa umano ito sa kanyang mga answered prayers. Nagkataon namang ang isang pinsan ni Jackie ay gustong magbakasyon sa London kung saan sila noon naka-base. Pinakiusapan niya ang kanyang pinsan to look after her kids habang nasa work ang kanyang mister na si Michel.

Three days later ay lumipad siya patungong Los Angeles, California kung saan noon nag-aaral at nagsisimula ng kanyang basketball career si Kobe. Ganoon siya ka-excited na makita at mayakap ang kanyang anak na naka-bonding niya ng tatlong linggo.

Sumunod din sa Amerika ang mister niyang si Michel at ang kanilang tatlong anak na sina Jared, Caleigh, at Yohan na pare-parehong excited na makita at makilala ang kanilang Kuya Kobe.

Ang unang pagkikita ni Jackie with her son ay nasundan pa nang maraming okasyon. April 2018 naman nang magkita sila ng kanyang panganay na si Andre kasama rin si Kobe.

“I couldn’t be any happier,” aniya. “Kumpleto na ako at dininig ng Diyos ang mga panalangin ko,” dagdag pa ni Jackie.

Bukod sa mababait lahat ang kanyang mga anak, masuwerte rin umano siya dahil napaka-understanding at supportive ng mister niya.Close na rin ito sa dalawa niyang stepsons.

Katunayan, Kobe is moving in sa kanilang mag-asawa at mga kapatid niya .Si Andre naman ay solo nang naninirahan sa kanyang sariling condo unit.

Ngayong nakabalik na sa Pilipinas si Jackie, hoping ang former That’s Entertainment member na magkaroon muli ng break sa industriya na kanyang pinagmulan, ang showbiz.