Jackie nakakabusog ang unli paseksi

Palaban ang aura ng aktres na si Jackie Rice sa kanyang mga instagram post. Ang Kapuso aktres ay kakasa sa kabugan kung kaseksihan lang ang pag-uusapan. Idagdag pa ang kanyang pagiging tisay, sadyang katakam-takam talaga alindog ng aktres na itinanghal na Ultimate Female Survivor ng ‘Starstruck’ sa ikatlong season nito.

Amerikano ang ama ng contract artist ng GMA Artist Center, kaya orig ang pagiging tisay ni Jackie. Ang kaputian ng aktres ay kabilang sa asset niya para sa mga kalalakihang nanga-ngatog sa mga babe na mestiza.
Flawless ang aktres, kaya proud siyang ibalandra sa madlang pipol ang nakakabusog niyang unli kaseksihan.

Huling napanood si Jackie sa TV series na ‘TODA One I Love’ sa GMA Network. Pasok na pasok si Jackie sa mga role na mataray at salbaheng kontrabida or isang malandin­g kaagaw ng bidang aktres sa guwapitong lea-ding man nito.

Sa taglay niyang mapanuksong porma at nakagigigil na hubog ng makurba niyang katawan, walang dudang isa si Jackie sa pantasya ng maraming barako.
Maangas ang kanyang tindig, lalo na sa suot niyang bathing suit sa kanyang Instagram post. May K naman kasi at definitely ay scene stealer si Jackie lalo na kapag ganito ang kanyang porma.

Kumbaga sa pagkain, animo siya isang mansanas na masarap kagatin, o kaya ay isang kinilaw na talaba na masarap sipsipin. Talagang kahuhumalingan ng mga kalalakihan ang tipo ni Jackie sa taglay niyang kariktan. (Nonie N­icasio)