Jackson nagalit sa guard na tumulak sa fan

TNT-ABANTE-TONITE-jackson

Mas lalo pa nga­yong hinangaan at minamahal ng mga fan ang miyembro ng South Korean boy group na GOT7 na si Jackson. Tumanggap ng mga positibong papuri at komento si Jackson dahil sa ipinakita niyang malasakit sa isang fan.

May nakapag-video at at ipinost sa social media ang insidente. May isang fan si Jackson na tila gusto siyang payungan habang naglalakad ang mga ito. Hindi sinabi sa report ng koreaboo.com kung saan nanggaling o papunta si Jackson, pero posibleng sa isang event o performance .

Eh, nakita ni Jackson nang itulak ng isang photographer ang fan na nagpapayong dito. Kitang-kita sa video nang huminto si Jackson nang makita nito ang ginawa ng photographer. Sinigurado nitong okay na ang fan na napaupo halos sa pagkakatulak sa kanya.

Sabi ng ilan sa naka-witnessed, noon lang daw nila nakitang nagalit si Jackson. Kahit lumalakad na ito, ilang beses sinabihan ang photographer na, “you shouldn’t push girls.”
Sinabihan na lang daw si Jackson ng security na huwag na lang munang pansinin ang lalaking photographer at magpatuloy na lang sa pag­lakad. Posible nga naman na maka-attract pa sila lalo ng mga tao at ma-mobbed.

May nag-upload sa Instagram ng pangyayari at pinupuri nga ng netizen si Jackson kung paano raw ito mag-alala at magmahal sa mga fan. Sabi ng isang comment ni @belovedgalaxy, “Standing up for fans. Jackson’s a real man. I’ve never seen him so angry before.”

Si Jackson ay si Jackson Wang, isang Chinese at Hongkong rapper, singer, dancer na naka-base na sa South Korea. Miyembro siya ng boy group na Got7 under JYP Entertainment. Nakilala siya lalo sa variety show na ‘Roommate.”

Taong 2011 nang lumipat siya sa South Korea mula sa Hongkong to pursue a career in K-pop. Two years din siyang nag-undergo ng training bago siya nag-debut noong January 2014 bilang miyembro nga ng grupo sa kanilang unang single na “Girls Girls Girls.”