Jacky vs Jade ng ‘Halik’ pukpukan

Talagang mapangahas at intense ang bawat eksena sa tinaguriang ‘most watched show’ sa iWant TV. Tutok na tutok ang mga gigil na fan sa bawat paghaharap nina Jade (Yam Concepcion) vs Jacky (Yen Santos) at Lino (Jericho Rosales) vs Ace (Sam Milby).

Naging bukambibig na rin ang teleserye at nagkalat ang mga spoofs at memes sa socmed. Number one trending rin sa Twitter ang ­“#MapangahasNaHalik”.

@smdeejhay16: “Jacky 2.0 is real! She’s so coming out now!”

@siarawto: “Be a jacky in a world full of cheaters like jade and ace. Instead of crying and mourning for losing your man, stand up, be better and improve yourself. A man who can never be loyal to you doesn’t deserve even a drop of your tears, love and loyalty.”

Bumuo pa ang mga fan ng kanya-kanya nilang team, Team Jacky vs. Team Jade. Maging ang mga socmed accounts nina Yen, Jericho, Sam at Yam ay pinuputakti na rin ng mga fan.

Komento ng fan kay Yam na gumaganap bilang Jade.

@jhustin_kyle: “malandi!!! Wag ka lng talaga magpapakita sakinn!! Jade!”

Hindi lang ‘yan dahil palong-palo sa rating on ­national TV ang #Halik.

Halos ‘di magkandaugaga ang mga die-hard fan lalo na at muling bumabangon si Jacky. Muling magkakaharap ang apat sa isang event at tiyak na ‘di pwedeng ­palagpasin ang eksena.