MATAPOS kong malaman ang major acting winners sa acting categories ng kauna-unahang Eddys, ang tanong sa a­king bitchy me, naughty me head, “Vilmanians ba ang SPEED members?”

Nung lumabas ang kanilang mga nominado, nagkibit-balikat lang ang diva that you love.

Ang taste of what is good and bad eh subjective at relative sa film aesthetics, experiences at movie going likes, dislikes at habits ng isang manonood.

Ngayong the dust is settled at ibinigay na ang mga parangal, mas dumoble ang pagtataka ko.

Medyo mataas ang expectations sa set of winners nila. Kasi, ang composition of this award-giving body ay mga Philippine entertainment editors na dapat mataas at mas maalam sa film aesthetics, mas mapanuri, mas kritikal at mas matapang ang choices.

Most of the winners came from commercial, popular, obvious and safe film choices.

Bakit kaya? Bakit mas pro-status quo at mas pang-establishment ang mga nag-viktoria?

Kahit pa may indie films na nominado, parang hindi masyadong bet at tila hindi nagka-fighting chance ang indie film movement dahil ang ilan sa most coveted plums, sa mainstream film movies ibinigay.

Vilmanian ang diva that you love at kahit masaya ako sa kanyang panalo, in my book and in my very core, somebody deserves the best actress award better.

Bagong acting ba ‘yung lagi niyang pinapalitan ang kanyang mga lunettes?

Haven’t we seen her in other films na may taning na ang buhay? Fresh pa ba ‘yung mother and son indifference na ipinakita sa pelikula?

Sapat na ba ‘yung she was styled to perfection, “acting” like a dragon woman, pero she does not sound influential at lalong hindi super woman with authority?

Kung ikukumpara mo ang pagganap ni Ate Vi sa tunay na tension at takot, frustration with the situa­tion that she was in na ipinadama ni Jaclyn Jose sa Ma’ Rosa, malapit man lang ba?

O ang internationally acclaimed portrayals nina Hasmine Kilip sa Pamilya Ordinaryo na kawindang-windang sa brillo at husay, at ang I bare my soul, I share with you all my warts and all at emotional gravitas ni Ai Ai de las Alas sa Area?

Ang pagpapaalala sa atin ni Rhian Ramos why it was so easy to fall in love with her in Saving Sally, paano na ang Star for All Seasons ang nanalo?

Should I repeat my first question o tandang pandamdam na ito dapat, yes oh yes, Vilmanians ang mga taga-SPEED!

Prangkahang usapan, hindi ba parang been there, done that, watched it before na ang kanyang performance sa Everything About Her?

***

Dapat na mas maging careful ang The Eddys sa pakikipag-partnership sa production houses.

Naging venue ang SPEED awards night para iparada at rumampa ang starlets and studlets of their production partner.

Ang numbers, parang hindi pang-awards night ang kalidad. Pang-musical variety shows.

Nakakalungkot na ang mga nominado, iilan lang ang dumalo at pumunta sa KIA Theater.

Kahit nagpasalamat pa sincerely kuning-kuning ang mga major winners sa social media, it does not change the fact that they were a no show sa awards night.

Para na nilang sinabi sa editors na they had better things to do on a Sunday night kesa dumalo sa pagtitipon.

Kailan kaya mababago ang ganitong kultura ng mga artista? Dapat ba assured muna silang mananalo bago magpakita ng suporta sa isang award-giving body?

9 Responses

  1. Alwin I hope you watched Everything about her & witnessed how brilliant performer Vilma Santos is, sa bawat pagpalit-palit ng character ni Ate Vi as humble & kind to arrogant & strict boss ay mai-impress ka talaga. Yung eksena sa pag-atake ng cancer with a mix emotion of anger & pain is very effective & excellent…she’s a real genius.

  2. Sino ang niloko mo na sabihin mong Vilmanian ka eh ang ang logic at style of writing mo eh obviously noranian. Hindi pa kuno binanggit si Nora sa article para hindi mahalata pero hindi bobo ang readers mo. Style mo bulok!

  3. Paano magiging quality ang indie films kung low budget nga ito. Bukod sa depressing na ang tema, nakakahilo pang panoorin… in other word: Low Quality. Bakit mag aaksaya ng pera ang manonood sa ganyan klaseng pelikula. Maybe kung discounted ang rate.. Buy one, get one free.. maaare pa. Kung ikaw ang theater owner papayag kang malugi.. Hoy Gising !

  4. alwin ignacio, bakit di mo tanungin ang Urian bakit 3 generation (nora, lotlot and janine) ng idol mong si nora ang nominated sa 40th Urian sa acting category? Di man nominated si Ate Vi sa 40th Urian. Don’t tell me mas magaling pa sina lotlot at janine kay Ate Vi. Obviously ang mga nasa Urian ang mga noranians. Una rin binigyan ng urian ng “Natatanging Gawad Urian” si nora, but the fact na mas maraming Urian Best Actress si Vilma Santos kesa sa idol mong si nora. FYI ang presidente ng SPEED ay si isah v. red na isang noranian. Totoo nga siguro ang press release ng SPEED na di nila alam ang resulta ng votes until that night otherwise na hokus pokus ng SPEED ang resulta at tiyag na di mapupunta kay Ate Vi ang Best Actress at papaboran nila ang idolo nilang si nora and this is the truth and nothing but the truth.. YanAng220.

  5. correction, bagong performance pinakita at role ni vilma! mixed emotions, highs and lows. and ur not a vilmanian alwyn. you know that to your core! wala kang respeto sa choice ng eddys as if pinaka magaling ka! had nora won ( eto tunay na sinisigaw mo), all praises ka cgurado. you lacked authority and credibility dear. shut up kma lang!

  6. a little birdie told us that Nora was kinda expecting to win kase may nag assure sa kanya na malakas siya kaya nag hire ng make up artist at bumili ng bagong damit. Andon kami sa Kia, kukonti lang fans ni Nora kumpara kay Vilma