Nang mag-away noon sa Twitter sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito ay nagpahiwatig si Andi kung sino ang tunay na ama ng anak niyang si Ellie.

Matapos ibunyag ni Max Eigenmann na si Jake ang biological father ni Ellie, kapwa tumahimik sina Andi at Jake.

Silence means YES!

Si Albie Casiño (itinuro ni Andi na nakabuntis sa kanya), nag-post lang ng “THANK YOU.”
Makaraan ang isang linggo ay saka pa lang nag-post si Andi sa social media.

Walang direktang pag-amin, pero walang denial.

Sumunod na nag-post si Jake ng kabagbag-damdaming mensahe sa kanyang “munting prinsesa,” bilang caption sa litrato nila ni Ellie.

Albie Casiño
Albie Casiño

Magkamukhang-magkamukha sila!

Ayan na, panay-panay na ang hanash at kuda ng mga kapamilya ni Jake para sa little princess.

Si Jaclyn Jose, simple ang mensahe para sa apo pero matindi, “I will protect you with my life.”

Meron na bang nag-apo­logize kay Albie at sa pamil­ya nito na nakaladkad sa pasabog noon ni Andi?