Jaclyn, lutang ang glow at confidence

Jacklyn Jose

SINO ang mag-aakala na ang mundo ng mga magsasaka at pelikula, ‘pag pinagsama mo, bonggang-bongga ang resulta? Walang halong kiyeme latik at pagdadabog ng bangs, iyan ang namayani sa TOFarm Film Festival na ginanap ang award rites kamakalawa sa Makati Shangri-La Hotel.

Panalo ang hosts, si Dingdong Dantes na super-guaping in his ba­rong Tagalog at si Carla Abellana na lalong tu­mingkad ang kariktan sa blue terno na mala-off shoulder ang dating dahil isa lang ang butterfly sleeve nito

Mas pangabog ang members of the jury.

Ang mga pumili sa winners ay sina award-winning master director Peque Gallaga, Presi­dent of the Manunuri ng Pelikulang Pilipino Gigi Javier-Alfonso, cinematographer Odyssey Flores, the most-awarded screenwriter of Philippine Cinema Ricky Lee at Cannes Film Festival 2016 Best Actress Jaclyn Jose.

Iba ang authority, glow at confidence ni Ms. Jaclyn nu’ng awards night.

Panalo at mainit ang palakpakan sa kanya tuwing ang kanyang pa­ngalan ay sinasambit.

Appropriately styled pa siya in her black cocktail dress number. Elegante at sosyalin ang dating.

Ang iba pang presen­ters na dumating na nagdagdag ningning sa awards night ay ang grand slam best actress winner Lorna Tolentino, Chanda Romero at actor turned Congressman Yul Servo.

Hindi nagpahuli ang performers. Sing kete sing ang London-based soprano and theater artist Christine Allado, piano kete piano, medley of Filipino classic and folk songs mula kay CCP President, Dean Raul Sunico, awit kete awit during the hapunan ang all male vocal group Aleron at siempre pa, dance kete dance ang Whiplash Dancers.

Sina Cherry Pie Picache at Bembol Roco ay tinanghal na best actress at best actor para sa kanilang makakatotohanang pag ganap sa Pauwi Na ni Direk Paolo Villaluna.

Carla Abellana
Carla Abellana

Ang non-actor mula sa Aeta cultural community na si Garry Caba­lic, estrella sa awards night dahil katabla niya si Bembol bilang pinakamahusay na actor.

Si Garry ang bidang lalaki sa Paglipay ni Direk Zig Dulay.

Nakakaintriga na hindi nominado si Arnold Reyes bilang best actor para sa Pitong Kabang Palay.

Ang mga jury, mas bet ang anak niya sa pelikulang si Alfonso Yñigo Delen ang gawing nomi­nado para sa kategorya.

Ang mga pelikulang Paglipay, Pauwi Na at Pitong Kabang Palay ang mga waging-wagi sa unang ToFarm Film Festival.

Best Picture ang Pag­lipay at ang iba pa nitong winnings ay People’s Choice, Best Director si Zig Dulay, Best Supporting Actress ang first time winner na si Anna Luna, at Best Cinematography para kay Albert Banzon.

Dingdong Dantes
Dingdong Dantes

Ang Pauwi Na, ang inuwing mga tropeo ay para sa Special Award for Outstanding Film, Best Story and Best Editing para kina Paolo Villaluna at Ellen Ramos and Best Production Design para kay Mao Fadul.

Ang awards night favorite, ang Pitong Kabang Palay, nag-viktoria bilang 2nd Best Picture, the Special Award for Outstanding Ensemble, Best Supporting Actor para sa tween actor na si Micko Laurente, Best Sound, Best Music at Best Screenplay.

Ang Free Range ni direk Dennis Marasigan ang nanalong 3rd Best Picture.

Ang special award na Professional Responsiblity ay binigay sa pelikulang Kakampi at Ingenuity Award ay sa Pilapil.

Extended ang festival for another week, mula Hulyo 20 hanggang Hul­yo 26 sa SM Megamall Cinema 7.

Ang provincial screenings ay mangyayari ngayong August 24 to 30 at SM Angeles Pampanga at SM Cabanatuan; September 14 to 20 sa SM Cebu; and October 12 to 18 sa Davao.

Kay Dr. Milagros How, Direk Maryo J. delos Reyes, at sa lahat ng mga taong na­ging baha­gi ng first TOFarm Film Festival, palak­pakan at mara­ming sigawan for you.