Jaclyn, proud kay Andi

Jaclyn Jose

LIKE mother, like daughter!

Masayang-masaya ang Cannes best actress na si Jaclyn Jose sa best actress trophy ng anak na si Andi sa katatapos na FAMAS Awards.

Nag-post si Jaclyn sa ­Instagram ng mensahe para sa panganay, “Congratulations ­Andi I am so proud of you, you are indeed the best actress of your generation.

“I know how much you work hard for your craft and I know you do all these for Ellie.

“I love you! Proud!” ani ng ­Kapuso actress, na nasa cast ng Alyas Robin Hood.

***

Marami ang humuhula na si Nora Aunor ang magbe-best actress sa MMFF 2016 para sa Kabisera.

After all, siya ang DAME OF ASIAN ­CINEMA.

“Sana, DAME kitain ng movie sa takilya,” sambit ni Laharni Dayan vda. de Espinosa.

In fairness and in fairview, iba ang ­istorya ­nito sa Padre de ­Pamilya.

***

Parang kahapon lang nang ­magsimulang magligawan sina Aicelle Santos at Mark ­Zambrano.

Hanggang ­ngayon, nandoon pa rin ang sweetness nila — in ­person man o sa social media.

Sa Instagram, super cheesy ang post ng GMA reporter sa Superstar Duets judge. Sabi niya,

Ani mark, ­“Spending Christmas 2016 with this one. And I can’t wait ­mahal… @aicellesantos @eatbulaga1979”

***

Pagkatapos mabig­yan ng Grade A ng ­Cinema Evaluation Board ang Ang Babae Sa Septic Tank 2: Forever Is Not Enough ni Eugene Domingo, masayang-masaya ang ­Cinema Evaluation Board sa dalawang pang entries ng MMFF na Sunday Beauty Queen at Saving Sally.