Jaclyn, TATAPUSIN ang laban ni Pacquiao

Jacklyn Jose

WAWAKASAN na ng mga legal na asawa ang laban nila sa mga kerida sa finale ng dramedy series na D’ Originals bukas (Biyernes) ng 4:15 PM, pagkatapos ng Impostora sa GMA 7.

“Panuorin ninyo ‘yung finale,” pag-anyaya ni Jaclyn Jose.

“Ito ‘yung ‘di natapos ni Manny Pacquiao. Tatapusin ni Josie,” dagdag ng 2016 Cannes Best Actress sa karakter niya bilang asawa ni Lando (Jestoni Alarcon).

Ayon kay LJ Reyes, dapat abangan ng viewers kung talaga bang magmu-move on na si Marge o mananatili siya sa piling ni Caloy (Mark Herras).

“They can expect painful forgiveness!” bulalas ni LJ.

“Dapat nilang abangan kung ano ang kahihinatnan ng relasyon namin ni Art (Archie Aleman),” hirit ni Kim Domingo.

“Kung magpapatawad pa ba si Sofia at kung sila pa rin ni Art ang magkakatuluyan hanggang sa huli.”

Meron pang mga pasabog sa pagitan ng mga orig at mga kabit na ginagampanan nina Katrina Halili, Meg Imperial, at Lovely Abella.

Nariyan ang huling pagtutuos ng ‘Balyena’ at ‘Anaconda’!

Lubos naman ang pasasalamat ng cast sa suporta ng mga manonood sa D’Originals.

“Thank you, sobra. Kahit sa labas, kapag nakikita ko sila sa grocery, tawag sa akin, Josie,” sabi ni Jaclyn.

“I am sincerely and deeply grateful to the people and to my suppor­ters that really stood by us until the end. It was really fun to do Twitter parties with you every day! I appreciate each one of you,” ayon kay LJ.

“Sobrang pasasa­lamat ko,” pakli ni Kim. “Maraming salamat at sana, lahat ng GMA shows ay patuloy ninyong suportahan.”

***

Kim Domingo
Kim Domingo

Kung sa iba eh kape o hot chocolate ang pampainit, ibahin ninyo si Kim Domingo.

Hindi kumpleto ang meal niya kapag walang sili.

Kaya pala palaging sizzling ang aura ni Kim eh dahil hindi pwedeng wala siyang pampainit!

***

Pansamantalang nawala ang lungkot ng mga pamilyang apektado ng gulo sa Marawi sa handog na libreng Pacquiao-Horn fight ng SKY at ABS-CBN Lingkod Kapamilya na naglagay ng SKYdirect kits sa ilang evacuation centers sa Barangay Sta. Elena, Ma. Cristina, Buru-un, Poblacion, at Balo-I sa Lanao del Norte.

Dahil sa installation ng SKYdirect, natunghayan ng mga apektadong pamil­ya ang laban ni Pacquiao via SKY pay-per-view, habang napanood ng mga bata ang kanilang paboritong cartoon shows.

Nagkaisa ang SKY at ABS-CBN Lingkod Kapamilya na mag-install ng SKYdirect para maghatid ng impormasyon, saya at pag-asa sa patuloy na bakbakan sa Marawi.

Layunin ng SKYdirect na gumagamit ng direct-to-home (DTH) techno­logy, na mas maraming Pilipino ang makapanood ng TV shows na siksik sa aliw, impormasyon, at kaalaman nationwide lalo na sa areas na hindi abot ng cable.

Para sa karagdagang impormasyon, i-follow ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation sa Facebook

***

Kahit sobrang pa­ngungutya ang natanggap ng karakter niyang si Nimfa sa pilot episode ng Impostora, wah care si Kris Bernal.

Feel na feel niya ang pagmamahal ng viewers dahil panalo ang kanyang show sa TV ratings against ABS-CBN’s Pusong Ligaw.

Pak na pak na pagganap ni Kris bilang Nimfa at Rosette. Idagdag mo pa ang nakakawindang na pa-abs ni Rafael Rosell! Saan ka pa, di ba?